Jessica, si Joshua ang makakatapat!
Para namang bago nang bago tayo sa pagbibigay ng mga manonood lalo na ng mga hurado ng standing ovation sa mga contestants ng American Idol. Hindi tayo magkamayaw dahil tinayuan nila ang pinakahuling performance ni Jessica Sanchez. Parang nakalimutan natin na hindi lamang nila ito ginawa para sa Fil/Mexican finalist kundi sa iba pang kasali sa AI, lalo na kay Joshua Ledet na every week na lang yata ay binibigyan nila ng standing ovation.
Ganito kagaling ang makakalaban ni Jessica kung silang dalawa ang matira sa finals.
Nakakamangha ang pagiging involved natin sa AI this season eh, halos taun-taon naman ay may nakakasaling Pinoy American dito.
Pero manalo man o hindi si Jessica Sanchez, siguradong magkaka-career siya bilang singer sa US. Ganun kalakas ang naging impact niya. Katunayan marami ng local producer ang may interes na dalhin siya rito para mag-concert.
Nora gusto uling mamigay ng Ulirang Artista award
Nadagdagan na naman ang kaalaman ng mga manonood tungkol kay Nora Aunor sa pagpapaunlak nitong ma-interview ni Boy Abunda sa Inside the Cinema nung Mayo 8. May replay ang naturang palabas ngayong 12:30 NT sa Cinema One.
Ang mga Noranians ang magsisilbing audience sa nasabing interview. Sa isang chance meeting ni Nora at ng isang past president ng PMPC na si Vero Samio na naganap sa isang dressing room sa Walang Tulugan, hiniling ni Nora na gusto niyang balikan ang personal na pagbibigay ng award sa mga nanalong Ulirang Artista na ipinagkakaloob ng Star Awards for Movies sa mga artistang nagbibigay ng pagpapahalaga taun-taon sa industriya ng pelikula at gumawa ng pinakamalaking achievement sa kanyang career.
Dati itong Nora Aunor’s Ulirang Artista Award pero nawala ang kanyang pangalan nang mapabayaan niya at tuluyang hindi naasikaso nang mang-ibang bansa. Gustong makipagdayalogo ng Superstar sa PMPC para maibalik sa kanyang pangalan ang pagbibigay ng parangal sa mga kapwa niya artista.
Louise ayaw makaagaw ng atensiyon kay Sen. Mirriam
Kapuri-puri itong si Louise delos Reyes na kahit abalang-abala sa kanyang pag-aartista ay hindi pa rin igini-give up ang kanyang edukasyon.
Katunayan nakatakda itong mag-OJT o on the job training sa opisina ni Sen. Miriam Santiago sa Senado. Hinihintay na lamang niya ang approval ng Senadora para makabilang siya sa opisina nito. Marami ang hindi makakakilala sa young star dahil bukod sa corporate ang isusuot niya, pipilitin niyang maging simple sa kanyang kaayusan para hindi makaagaw ng atensiyon at makapag-concentrate siya sa kanyang gawain.
- Latest