^

PSN Showbiz

Richard parating may kabuntot na medical team

RATED A - Aster Amoyo -

Gulat na gulat na may kahalong takot ang controversial mom ni

Richard Gutierrez

sa pinaggagawa ng kanyang anak sa pinakabagong TV show nito sa GMA, ang

Pinoy Adventures

, na mapapanood na sa ere simula ngayong linggo, May 13, dahil sa mga delikadong stunts na kanyang ginagawa. Sa halip na kabahan at matakot, na-assure naman ni Richard ang kanyang mommy na wala itong dapat ikatakot dahil maingat naman siya sa kanyang mga ginagawa tulad ng kanyang 120-ft. dive kung saan meron siyang diver master na kasama at iba pang divers.

“Nakaka-excite ang bago kong programa, ang Pinoy Adventures, because I am experiencing new things, meeting new people, doing new things at nakikita ko ang mga buhay nila. Ang sarap ng feeling,” sabi ni Richard na napaka-passionate sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa.

Ang Pinoy Adventures ay produced ng News & Public Affairs Group ng GMA, the same group behind his successful documentaries tulad ng Signos, Oras Na, at Planet Philippines na humakot ng mga parangal both local and internationally.

Since delikado ang mga stunts na ginagawa ni Richard, may kasa-kasama siyang medical team sa bawat lugar na kanilang pupuntahan.

Mainit pa ang ulo kahit malapit na ang tag-ulan

Alam mo, Salve A., kahit malapit nang magtapos ang tag-init at papasok na ang tag-ulan, marami pa rin tayong mga kababayan ang maiinit ang ulo na siyang pinagmumulan ng away at gulo ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa hard-hitting journalist na si Mon Tulfo

Nagsampa na ng demanda ang magkabilang panig. At sa pag-usad ng kaso, tiyak na marami pa ang puwedeng mangyari.

Nang dahil lamang sa mga bagahe, naging mitsa ito ng verbal and physical abuse cases kasi nauwi sa sakitan at demandahan. 

Buhay ni German moreno nakaka-inspire

Nung nakaraang May 7 ay nag-celebrate ang star builder at showbiz icon na si German Moreno ng kanyang ika-49th year sa showbiz sa pamamagitan ng isang get-together dinner na ginanap sa Vera-Perez compound. Bukod sa masarap na pagkain na inihanda ni Betchay Vera-Perez-Nak­pil, napakaraming ipina-raffle ni Kuya Germs

Taong 1957 nang magsimulang mamasukan noon sa Clover Theater bilang isang janitor si Kuya Germs. Mula sa pagiging janitor ay naging telenero siya hanggang sa siya’y ma-promote bilang assistant manager ng Clover Theater na kila­lang-kilala noon sa mga live shows. Sa pa­mamagitan ng assistant director ng Sampaguita Pictures na si Pepe Salamida at ang nobelistang si Pablo Gomez, ipinakilala si Kuya Germs kay Mrs. Nene Vera-Perez. Si Kuya Germs ang naatasang mag-emcee sa Life Theater para sa King and Queen for a Day movie nina Dolphy at Panchito na umabot na sampung araw. At sa huling gabi ay premiere night ng pelikula. Walang kaalam-alam si Kuya Germs na gabi-gabi pala ay nanonood si Mrs. Vera-Perez sa Life Theater at natutuwa ito kay Kuya Germs kaya ito’y kanyang ipinatawag sa Sampaguita office para bayaran sa kanyang serbisyo bilang emcee. 

At ‘yun ang simula ng lahat.

Hanggang ngayon nananatili si Kuya Germs sa showbiz at napapanood pa sa programang Walang Tulugan na palabas tuwing Sabado ng gabi sa GMA 7.

ANG PINOY ADVENTURES

BETCHAY VERA-PEREZ-NAK

CLOVER THEATER

KANYANG

KUYA GERMS

LIFE THEATER

PINOY ADVENTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with