^

PSN Showbiz

Raymart at Claudine nagsampa na ng kasong physical injuries at child abuse kay Mon Tulfo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Pormal nang isinampa ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto  ang kasong Physical Injuries at Rep. Act 7610 o Anti-Child Abuse laban kay Mon Tulfo kay Fiscal Juliet Garcia ng Pasay-RTC.

Balak din ng mag-asawa na magsampa ng kasong Grave Threat sa mga kapatid ni Mon na sina Erwin, Raffy at Ben dahil sa mga sinabi nila sa kanilang programang T3.

Pinag-iisipan pa raw nila kung kailan nila ito ipa-file.

PAK: Naikuwento naman ni Raymart na may nakikita raw silang van na umaaligid sa kanilang bahay.

Ayaw naman daw niyang sabihin na kagagawan iyun ng kampo ni Tulfo pero gustong iparating ng aktor na kung meron man daw mangyari sa kanya pati sa kanyang asawa at sa mga anak, alam na raw kung sino ang may kagagawan.

Kaya kumuha na sila ngayon ng mga pulis na magbabantay sa kanila. Hindi na nga raw nasasanay si Raymart na merong pulis na nagbabantay sa kanya 24/7 at kahit saan siya magpunta.

BOOM: Bilang kamag-anak ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si Raymart, nagparating ito ng mensahe na willing daw siyang mag-mediate para magkaa­yos sila ni Mon Tulfo dahil kaibigan naman daw niya ang kilalang kolumnista.

Pero umiiling si Raymart at hindi raw siya makikipag-ayos.

Hindi niya napigilang maiyak na nagpahayag na okay lang daw kung siya lang ang nasaktan ni Mon. Ang hindi raw niya matanggap ay pati ang asawa niya ay sinaktan daw ni Mon na nasaksihan ng kanilang mga anak.

vuukle comment

ANTI-CHILD ABUSE

CLAUDINE BARRETTO

GRAVE THREAT

JULIET GARCIA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

MON TULFO

PHYSICAL INJURIES

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with