^

PSN Showbiz

Dahil sa mga pagbabanta, Tulfo brothers sinermunan ng TV5

- SEEN SCENE -

SCENE: Kinastigo ng TV5 management ang magkakapatid na Ben, Raffy, at Erwin Tulfo dahil sa mga banta nila Claudine Barretto at Raymart Santiago sa programang T3.

SEEN : Iika-ika ang paglalakad at malungkot na malungkot si Claudine Barretto sa presscon nila ni Raymart Santiago sa kanilang restaurant sa Katipunan, Quezon City noong Lunes ng gabi.

Malayung-malayo sa Claudine na tumulong sa pananakit kay Mon Tulfo.

SCENE : Hindi pinagsalita si Claudine Barretto sa presscon. Ipinaubaya ang pagsasalita kay Raymart Santiago at sa kanilang abogado.

SEEN : Matunog na Sir Mon ang tawag ni Raymart Santiago sa broadcast journalist na pinagtulungan nila na bugbugin sa NAIA 3 noong Linggo.

Ibang-iba sa Raymart na sinakal si Mon at nagsalita na huwag siyang hawakan ng mga umaawat dahil hindi pa siya tapos.

SCENE : Ang paglitaw ng video ng pagwawala ni Claudine Barretto sa isang bangko noong Oct. 25.

Nagkaroon ng idea ang mga tao sa naging trato ni Claudine sa mga empleyado ng Cebu Pacific na pinagalitan niya.

SEEN: Negatibo ang mga komento sa pagtataray at pagbabanta ng Tulfo Brothers sa mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Laugh trip ang mga televiewers sa pahayag ni Mon Tulfo na artistang laos pala ang babae na mukhang matrona at mataba na nakita niya na nagwawala sa NAIA 3.

SCENE : Nagsimula kahapon ang boxing training ni Congressman Manny Pacquiao sa Wildcard Gym.

Dadalo si Pacquiao sa May 9 red carpet premiere ng The Road sa Arclight Theater, Hollywood, California.

ARCLIGHT THEATER

CEBU PACIFIC

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

ERWIN TULFO

MON TULFO

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with