Hindi kaya ang mga pagtatanggol ng kapatid ni Mang Mon, mga kapatid ni Claudine hindi pa lumulutang
MANILA, Philippines - Makikialam na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isyu ng bugbugan nina Mang Ramon Tulfo at Raymart and Claudine Santiago.
Ito ay dahil sa mga matatalas na salitang binitiwan ng magkakapatid na sina Ben, Erwin at Raffy laban sa mag-asawa na nakasuntukan ng kanilang kuya sa NAIA.
Gumamit sila ng mga shocking words na hindi accep table sa TV. Ayon sa isang taga-MTRCB, iimbestigahan nila ang mga pagbabanta ng tatlo sa kabila nang ginawa nilang paghingi ng paumanhin sa kanila pa ring programa kahapon.
Kasama sa mga pinakawalang salita ng tatlo : “Ipagdasal mo lang muna at ipinapayo ko sa iyo at sa asawa mo, huwag ka munang lumabas sana. Dahil kapag nagpaabot tayo sa NAIA Terminal 1, Terminal 2, Terminal 3, tatamaan at tatamaan ka.
“Wala akong pakialam, pati asawa mo, tatamaan sa akin. Ipagdasal mo na lamang na huwag tayong magkrus ng landas,” sabi ni Erwin
Sabi naman ni Mr. Ben : “Raymart, pakinggan mo ang sa-sabihin ko sa iyo : Binabangga ko ang mga kriminal, mamamatay-tao, matinong tao. Pero kung ang gusto mo, malaking warehouse, sarado, naghihintay ang ambulansiya.
“Last man standing, magsasara tayo ng pinto. Titingnan ko ang galing mo. Tandaan mo ‘to,” dagdag nito.
“Hindi pa tayo tapos, Raymart. Hindi pa tapos. Antaba yanan mo lang. Antabayanan mo lang ang lintik na ganti ng Tulfo,” pahabol ni Erwin na dating sa taga-ABS-CBN.
“Huwag lang sana tayong magpang-abot sa mall. Idasal mo, hijo de P.I. ka, na huwag sana tayong magkita sa mall. Ipagdasal mo ‘yan. Magtirik ka ng kandila mula ngayon. Huwag na huwag magkrus ang landas natin, P.I. ka,” sabi naman ni Raffy.
Nanghingi na sila kahapon ng pasensiya sa mga sinabi nila noong Lunes ng hapon.
Naglabas na rin naman ng statement ang TV5 tungkol sa nasabing reklamo sa magkakapatid na Tulfo na kinausap mismo ng kanilang kuya na ‘wag nang makisali sa gulo. Ganun pa man, mag-iimbestiga pa rin ang MTRCB.
Heto ang statement ng TV5 : “News5 assures the public and all parties concerned that the statements made by the Tulfo brothers in its program, T3, last May 7, 2012, were unscripted, spontaneous, and do not in any way reflect the stand nor the policy of the network, its management, staff, and employees. While we understand the emotions at play during the broadcast, News5 does not and will never condone such behavior. It was not only uncalled for but also runs counter to the established Code of Ethics that we all strictly adhere to.
“We are taking necessary actions to deal with this lapse in judgment on the part of the Tulfo bro thers and assure the public that we remain committed to objective and impartial journalism.”
At kung nakakabilib ang ipinakitang suporta sa kanilang kuya Mon, nasaan naman kaya ang mga ka patid ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie?
Suportado rin ba nila ang kapatid sa laban nito at Raymart kay Mang Mon? Asan sila?
- Latest