Jose at Wally nakapagbulsa ng malalaking tip sa bar show
Abot-tenga ang ngiti ng mga taga-Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil sa napakamatagumpay na fund-raising concert na itinaguyod nila at ginawa para makalikom ng pondo na magagamit sa medical na pangangailangan ng mga miyembro nila. Wala nang mapaglagyan pa ng napakaraming gustong makapasok ng Zirkoh Morato sa Quezon City kahit na halos magtatapos na ang palabas. Ganun na pala talaga kalakas humatak ng mga manonood ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola na obviously ay hindi kasali sa mga inaakusahang non-singers na patok ngayon sa concert scene. Marunong kumanta ang dalawa, magaganda ang boses nila, at napakalawak ng kanilang repertoire. Walang kanta na hiniling ang audience na hindi nila alam o nakayanan. Napaka-appreciative naman ng mga manonood dahil sunuklian nila ng malalaking tip ang effort ng dalawa. Ang mga ito ay hindi naman tumagal sa bulsa ng dalawa dahil napunta ito sa iniipon para mapaghatian ng mga tagasilbi sa lugar at ng isang charity institution.
Wala namang pagod na sinulit nina Jose at Wally ang napaka-mahal na tiket para sa kanilang concert. Kahit maraming nauna sa kanilang nag-perform gaya ni Toni Gonzaga at mga kasama, ramdam na ramdam na ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga ang dinayo ng manonood sa nasabing lugar.
Wonder Gays tikom ang mga bibig sa mga karelasyong babae!
Hindi ako sure kung mga baklang lahat ang grupong Wonder Gays na inaalagaan ang career ni Lito de Guzman. Balita kasi na may mga babaeng karelasyon ang ilang sa mga miyembro nito. Tahimik lamang sila kapag natatanong tungkol dun. Mas gusto nilang pag-usapan ang ikalawang major concert na gagawin nila sa Zirkoh sa May 10. Kahit sa kanila iniaatang ang pagdadala ng konsiyerto, marami silang makakasama dahil ang konsiyerto ay isa ring pagdiriwang ng birthday ng manager nila na sa halip na magpa-party ay gusto na lamang lumikom ng pondo para sa isang bahay-ampunan sa Parañaque, ang My Father’s House Orphanage. Tampok din sa concert sina Raia Quiroz, Blanktape, Paolo Rivero, Kiko Pacquiao at ang walang kupas na Baywalk Bodies. Darating din sina Troy
Montero, Patrick Garcia, Kris Lawrence, Rowell Quizon, Valerie Concepcion, Glaiza de Castro,Denise Laurel, Stef Prescott, at Rocco Nacino.
Rufa Mae kinakapa na ang pagiging Kapatid!
Tama lang ang desisyon ni Rufa Mae Quinto na magpalit ng istasyon. Nagiging stagnant na ang career niya bilang isang Kapuso. Hindi na naggo-grow ang kanyang career sa Siete. Walang pagbabago sa mga roles na ginagampanan niya. Wala ng effort to make her different. Maging ang pagho-host niya sa Showbiz Central ay hindi na nakakatulong para lumago ang kanyang career. Hindi na rin siya cute sa Bubble Gang.
Sa napipintong paglipat niya sa TV5 na dati ay pinagbubulungan lamang pero ngayon ay halos kumpirmado na dahil sa paglabas niya sa programa ni Willie Revillame na Wiltime Big Time. Sa nasabing programa ay mukhang nabigyan ng buhay at ningning ang kanyang pagiging isang komedyante. At dala marahil ng mga bago niyang kasama at kapaligiran kung kaya parang isang bagong Rufa Mae ang nakita. And what the viewers saw ay nakagalak sa kanila.
Balak siyang isama sa pangingibang bansa ng show sa susunod na buwan, mukhang timing ang desisyon ng magandang komedyante na lumipat. Idagdag pa rito pagtaas ng kanyang talent fee na makasampung ulit at masasabi mong mas suwerte pa ring dala-dala ang dating Kapuso at ngayo’y isa ng Kapatid.
- Latest