^

PSN Showbiz

Ryan nagagawa pang makipaghabulan sa mga anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakausap namin si Ryan Agoncillo sa presscon ng presentation ng mga Hall of Famers ng Talentadong Pinoy. Ito’y kinabibilangan nina Ayegee, Melbelline, Dancing is Fun, Craig and Samantha, Astroboy, Sustantivo, Moni­ca at Rhyzza na umere ng live sa TV5 mula Quezon Memorial Circle simula kagabi at hanggang ngayong gabi.

Kinumusta rin namin ang married life nila ni Judy Ann Santos at ayon kay Ryan, kagagaling lang sa ibang bansa kung saan dun idinaos ang kanilang third wedding anniversary.

Kahit abala siya sa kanyang trabaho bilang host ng Eat Bulaga (daily) at Talentadong Pinoy (weekly) ay may time pa rin siya sa pamilya — sa kanyang asawa at dalawang anak lalo na sa bunsong si Lucho.

“Gumigising na ako ng 6:30 a.m. para bantayan si Lucho na isang taon at kalahati na. Nagtatakbuhan kami sa loob at labas ng bahay habang natutulog minsan si Juday,” sabi ng TV host-actor.

Personal…

Congratulations kay Zara Jane A. Baisas ng Paete, Laguna for passing the recent licensure examination for electrical engineers.

Siya ang nag-iisang anak ng publicist na si Zar Baisas. Graduate si Zara sa UP Los Baños.

CRAIG AND SAMANTHA

EAT BULAGA

HALL OF FAMERS

JUDY ANN SANTOS

LOS BA

LUCHO

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

RYAN AGONCILLO

TALENTADONG PINOY

ZAR BAISAS

ZARA JANE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with