^

PSN Showbiz

Nora Aunor at Imelda Papin may gap!

- Veronica R. Samio -

Bagama’t nagbatian naman ang Superstar na si Nora Aunor at ang Undisputed Jukebox Queen na si Imelda Papin nung magkita sila sa dressing room ng Walang Tulugan with Master Showman nung Biyernes na kung saan ay nag-taping sila para sa May 12 episode ng nasabing programa ni German Moreno, may narinig akong bulung-bulungan na may gap ang dalawang kababayan natin na for a time ay naka-base sa US. Meron daw naganap sa dalawa na naging dahilan para mabawasan ang friendship nila.

Kahit ayaw magsalita tungkol dito ni Imelda at wala namang pagkakataon ang Superstar na ma­kom­­pronta sa isyu dahil agad ay dinumog ito nang du­mating siya sa compound ng GMA, talagang pi­­­ni­­pilit ng aking source na may hindi pinagkakau­nawaan ang dalawa.

Going back to Nora, halos ’di ko siya nakilala at na­kita kundi lamang siya ang unang tumayo sa kanyang kinauupuan para batiin kami.

We were in the studio para i-follow up ang guest­ing na ginawang katotong Vir Mateo para sa kanyang alagang si Angela Guinto. Wala sa kapasidad si Vir na magawa ang kanyang trabaho dahil kasalukuyan pa itong nasa ICU ng East Avenue Medical Center matapos itong mag-collapse sa Metro Rail Transit o MRT ilang araw lamang ang nakakaraan. It was our way of helping him since hindi pa siya nakakagalaw pero maganda ang indikasyon na gagaling siya.

It was our way, too, of helping our friend Jenny Var­­ga na siyang ina ng baguhang nag-aartista na masu­portahan ang hilig ng kanyang bunsong anak.

Nakakanta naman si Angela at siguradong mapapanood ’yun ni Vir sa ospital ngayong gabi.

Fil-Jap singer regular na sa WT

Sa set ng Walang Tulugan ay na-meet ko rin ang isang Fil-Jap teener na gustong mag-succeed sa local showbiz. Siya si Nozomi Moriwaki, 15 years old at semi-regular na sa show.

Nakagawa na siya ng isang album sa PolyEast Records, ang Before I Reach 16, na ipinu-push ni Pooh ng husto sa radio program niya sa umaga, sa Star FM 102.7. Ang carrier single ng album, ang Mali Pala, ay isa sa most requested songs sa radio.

ANGELA GUINTO

BEFORE I REACH

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FIL-JAP

GERMAN MORENO

IMELDA PAPIN

JENNY VAR

MALI PALA

SHY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with