^

PSN Showbiz

Pacman hindi nag-deny na nakakapagpagaling na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi itinanggi ni Congressman Manny Pacquiao na mahigit sa isang bilyong piso ang kanyang SALN (o statement of assets, liabilities and net worth).

Totoo naman ang sinabi ni Papa Manny na kung anuman ang meron siya ngayon, galing ‘yon sa kanyang pawis, dugo at sangkaterbang hirap na bunga ng paglalaro niya ng boxing.

Hindi rin idinenay pero hindi direktang inamin ni Papa Manny na gumaling ang karamdaman ng mga tao na dumalo sa kanyang mga prayer meetings.

Very true ang statement ni Papa Manny na kung mawawala ang pagdududa, talagang gagaling ang karamdaman ng mga tao na may paniniwala kay God.

Sa husay ni Papa Manny sa boxing at sa sobrang faith niya sa Diyos, hindi nakapagtataka kung manalo siya sa laban nila ni Timothy Bradley sa June 9.

Dating dancer na naging bumbero, may payo sa mga baguhang artista

Natuwa ako nang malaman ko na nakatutok pala sa Startalk ang mga bus na pumapasada sa Metro Manila, Southern Luzon, at Northern Luzon.

Ang mga bus passengers ang source ng kuwento ko at naniniwala ako sa kanila dahil alam nila ang lahat ng content kahapon ng Startalk.

Knows ng mga pasahero na si Marco McKinley ang former dancer-actor na bumbero na ngayon at konektado sa Pasay City Fire Brigade.

Ipinakita sa Startalk si Marco habang minamaneho nito ang isang fire truck, ang rebelasyon na naranasan niya na gumamit ng ipinagbabawal na gamot, at ang pagkakaroon ng anim na anak sa iba’t ibang babae.

Thirty four years old na ngayon si Marco pero hindi nagbago ang kanyang hitsura. Ang payo niya sa mga baguhan na artista, mag-ipon ng pera at huwag gagamit ng prohibited drugs. Alam ni Marco ang kanyang sinasabi dahil sa mga pinagdaanan niya noon.

AiAi ginagawa ang lahat para sa bagets na dyowa

Hindi na pala inililihim ni AiAi delas Alas ang identity ng kanyang boyfriend dahil sinasabi na niya sa mga interview na Jed Alvin Salang ang name ng karelasyon niya.

Bumata ang hitsura ni AiAi dahil bagets si Jed na look-alike nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Monsour del Rosario.

Dahil sa strong resemblance ni Jed kay Bong, feeling Lani Mercado si AiAi na hindi nawawalan ng inspirasyon.

Si Jed na kaya ang huling lalaki sa buhay niya? Ang balita ko, submissive si AiAi sa kanyang dyowa dahil ginagawa niya ang lahat, in the name of love.

Masamang linya ng Globe inirereklamo

Mama Salve, naloloka na ang mga subscribers ng Globe dahil sa kanilang poor service. Globe post-paid subscribers ang nagrereklamo na madalas na napuputol ang pakikipag-usap nila sa kabilang linya dahil biglang nawawalan ng signal ang kanilang mga telepono.

Hindi naman sila nakatira sa mga liblib na lugar dahil dati nang malakas ang signal ng Globe sa Cubao, Morato at Timog area ng Quezon City.

Kung hindi malulutas ng Globe people ang problema, magpapaka-smart na ang kanilang mga loyal subscriber as in magpapalit na sila ng service provider. Mahigit sa dalawampung tao na ang nagsusumbong sa akin tungkol sa problema nila sa Globe kaya ang ibig sabihin, marami na ang nagdurusa sa poor service ng nasabing telecommunications company. (Ay, kasama po ako sa nagdurusa sa masamang linya. Hindi sulit ang bayad dahil kahit na Internet ay parating walang service. - SVA)

BONG REVILLA

DAHIL

JED ALVIN SALANG

KANYANG

LANI MERCADO

NIYA

PAPA MANNY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with