Billy Pinas pa rin ang iniisip kahit nasa France na!
Noong Lunes ay nakaalis na sa bansa si Billy Crawford papuntang France para ipagpatuloy ang kanyang international career. Dalawang buwang mawawala ang singer-TV host kaya tiyak na mami-miss niya ang kasintahang si Nikki Gil.
“It’s going to be quite difficult din na for two months ’di ko siya makikita na halos araw-araw kami nagkikita,” pagtatapat ni Billy.
Hindi alam ng binata kung papalitan siya pansamantala sa It’s Showtime bilang host lalo pa’t matagal-tagal din siyang mawawala.
“’Yan ang hindi ko alam. I don’t know the plans for Showtime kasi marami ring pagbabago ang bagong season, which we’re preparing for na kahit mawawala ako. At least alam kong marami kayong aabangan,” pahayag ni Billy.
Tiyak na naninibago si Billy sa France sa kanyang mga gagawin sa araw-araw. “Gigising ako at a certain time every day, siyempre ibang-iba sa France ’yung daily routine ko compared to being here sa ABS-CBN,” sabi pa niya.
Nasimulan na rin ni Billy sa Pilipinas ang kanyang bagong album na ire-release sa France.
Mario Maurer maraming natutunan sa Pinay na director
Kamakailan ay pumunta si Erich Gonzales sa Thailand para dumalo sa story conference ng pelikula nila ni Mario Maurer na Suddenly It’s Magic. Maganda talaga ang istorya ng kanilang proyekto, ayon sa dalawang bida.
“My name is Marcus and he is a Thai superstar and he worked in the business like in the movie business since he was seven years old. He is already bored with the career he made. One day he just decided to go somewhere to relieve himself and he went to the Philippines and that’s where the magic starts when I met Erich in the movie,” nakangiting kuwento ni Mario sa karakter.
Paglalarawan naman ng young actress, “’Yung character ko po rito I own a bake shop. Pastry chef po ako rito ’tapos galing ako sa isang bad relationship na parang ’yun nga I became a little jaded, na may pagka-bitter pagdating sa love. Then I meet this Thai guy na magbabago talaga ng buhay ko and then that’s where the magic begins.”
Si Rory Quintos ang magdidirek ng nasabing pelikula at ayon kay Mario, marami siyang natutunan sa Pinay na direktor.
“I think she is very nice and she taught me all about work habits, how the crew works, how’s it different from working everyday in Thailand. She taught me all about the whole story. And if have any questions she’ll help me,” sabi ng Thai heartthrob.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest