Aktres sinisiraan lang, sinasabing ebidensiya hindi mailabas
May naninira sa isang aktres at ang mga social networking sites ang ginagamit niya sa pagkakalat ng maling balita.
May threat ang naninira na may ebidensiya siya na magpapatunay na hindi naging faithful ang aktres sa boyfriend nito na aktor.
Kung talagang may pruweba ang relationship wrecker, ilabas na niya at huwag na siyang magbanta o sumatsat nang sumatsat. Sisikat pa siya kapag napatunayan niya na totoo ang kanyang mga bintang laban sa aktres.
Richard sasaglit lang sa Honolulu
Lumipad kagabi si Richard Gutierrez sa Honolulu, Hawaii dahil siya ang special guest bukas, May 5, sa isang big event ng Filipino community.
Hindi magtatagal si Richard sa Honolulu dahil babalik din siya sa Lunes para sa presscon ng Pinoy Adventures na magsisimula sa May 13.
Sa darating na Linggo sana ang premiere telecast ng Pinoy Adventures pero inilipat sa May 13 dahil pupunta nga si Richard sa Hawaii.
GMA piling-pili ang mga ipadadala sa US at Canada preem ng The Road
Showing na next week sa USA at Canada ang The Road ng GMA Films. Sa May 11 ang playdate ng The Road sa Canada at North America theaters. Naka-schedule naman ang red carpet premiere sa May 9 sa Grauman’s Chinese Theater, Hollywood, Califonia.
Pili ang mga artista ng The Road na dadalo sa red carpet premiere. Nang magpatawag noon ng presscon ang GMA Films, sina Alden Richards at Rhian Ramos ang confirmed na lilipad sa Amerika para sa premiere night ng pelikula sa Hollywood.
Pero sinabi ni Marvin Agustin sa isang interview na sisipot din siya sa red carpet premiere dahil isasabay niya ang US trip nila ng kanyang kambal na anak.
Anak ng kontrobersiyal na aktor nabulilyaso sa reality show, iskandalo ng pamilya iniwasan muna
Muntik nang makasali sa isang reality show ang anak ng kontrobersiyal na aktor.
Hindi natuloy ang pagsali ng bagets dahil inawat siya ng concerned family friends na nag-alala na baka maungkat ang eskandalo na nangyari sa kanilang pamilya.
Artistahin ang bagets at ultimate dream niya na sundan ang yapak ng kanyang ama at kapatid na sikat sa showbiz. Nabulilyaso ang pangarap ng aspiring actor dahil sa eskandalo na kinasasangkutan ng kanyang pamilya.
Bagets pa naman ang aspiring actor. Hindi siya dapat magmadali. Mas mainam na tapusin muna niya ang pag-aaral at palipasin ang family scandal nila na pinagpistahan nang todo.
- Latest