Slater hindi pinaarte, ginawa lang so-so
Nabigo ang mga taga-suporta ng Pinoy Big Brother (PBB) grand winner na si Slater Young na tumutok sa Maalaala Mo Kaya (MMK) nung Sabado dahil so-so lang ang naging role nito. Akala pa naman nila ay mapapaarte na ito nang husto dahil MMK ‘yun, ‘yun pala one of those lang siya.
Ganun din ang isa pa sa PBB Big 4 na si Paco. Feeling nila mas mai-enjoy pa nila ang paggi-guest ni Slater sa PBB Teen Edition.
Showtime hosts kuntento na
Malaki talaga ang risk na ginawa ng It’s Showtime sa pagtapat sa isang institusyon na tulad ng Eat Bulaga. Pero dahil sinabi ng programa na hindi nila tinatapatan ang noontime show ng GMA 7 kundi bumabahagi lamang sa napakalaking audience share tuwing tanghali kung kaya nakuntento ang mga fans ng show lalo na ang mga tumatayong hosts nito (Anne Curtis, Vhong Navarro, Bily Crawford, Karylle, Kim Atienza, atbp.).
Medyo nag-alala lang sila nang mabalitang matitigbak ito. Mabuti na lamang at itinanggi ito ng isang bossing ng network.
Heart hindi sanay mag-seryoso sa lalaki
Paano ba naman hindi maiiyak si Daniel Matsunaga sa break-up nila ni Heart Evangelista ay obvious na obvious naman na very cold na sa kanya ang aktres? Parang ang bilis magpalit ng isip niya. Naalala tuloy ng marami ’yung mga past relationships niya na parang dinaanan lang at parang walang anuman na tinapos niya.
Haaay, Heart. Kailan ka pa magiging seryoso sa Pag-ibig?
- Latest