Ryan fresh na fresh pagkatapos ng honeymoon sa Maldives
Pinakabonggang grand finalé ng Talentadong Pinoy Battle of the Champions ang magaganap this year dahil bukod sa ibinalik sa dalawang gabi ang finalé, ngayong taon din ang biggest prizes na mapapanalunan.
Tatanggap ang mananalo kina Ayegee, Mhelbelline, Dancing is Fun, Craig and Samantha, Astroboy, Susantivo, Monica, at Rhyzza ng P1 million, brand new car, at karapatang mag-represent sa World Championships of Performing Arts o WCOPA.
Gagawin sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City ang finalé sa May 5, (performance night) at May 6, ang announcement ng mga winners. Umaasa ang host na si Ryan Agoncillo na darating si Nora Aunor at ang asawa niyang si Judy Ann Santos. Narinig naming ini-anounce ang pagdating din nina Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, Cong. Lucy Torres-Gomez, at marami pang iba.
Samantala, kahit puyat sa pag-aalaga sa baby nilang si Lucho, mukhang presko si Ryan dahil kagagaling lang nila ni Judy Ann sa Maldives para mag-honeymoon. Umalis sila noong April 23 at bumalik noong April 28, na 3rd wedding anniversary din nila.
Jackie babalik sa Black Widow
Isa sa mga bagong afternoon soaps ng GMA 7 sa second quarter ng taon ang Black Widow at interesting ang casting na naisip ng network. Pagsasama-samahin nila sina Jennica Garcia, Jackie Rice, at Geoff Eigenmann. Ang nadinig naming direktor nito ay si Mark Reyes.
Matutuwa nito ang mga fans ni Jackie na sobrang nami-miss na siyang mapanood na umaarte dahil sa Bubble Gang lang siya regular na napapanood eh every Friday lang ang gag show.
Singer-actress naging kamukha na ni Nanette Medved
Matagal bago nakilala ng press ang singer-actress (SA) nang mag-guest sa isang TV show dahil malaki ang ipinagbago ng hitsura at pumuti pa. May nag-react pang baka idol ni SA si Nanette Medved-Po dahil ang laki ng hawig niya sa dating aktres.
Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang pagkanta at pag-arte ni SA sa bago niyang hitsura dahil ’pag pati ’yun ay binago pa niya, baka hindi na talaga siya makilala.
- Latest