^

PSN Showbiz

Ofelia sinumbatan ang judge sa Broken Vow

-

MANILA, Philippines - Dinala ni Roberto si Melissa sa church na napiling pagdarausan ng kanilang kasal. Pero nakakita lang si Melissa ng isang amang karga ang kanyang anak, naalala kaagad ni Melissa si Felix. Nagdasal na lang si Melissa sa loob ng church na tulungan siya ng Diyos na makalimutan si Felix at sana tama ang desisyon niyang pakasal kay Roberto.

Dahil ayaw ni Judge Acuna na pasuhol, naghanap ng baho ng Judge si Regina at sinabi kay Ofelia na ito ang gagawing bala ni Ofelia laban sa judge para pumayag ito na pawalang-sala si Felix.

Kinausap naman pala ni Roberto ang judge, malaki ang utang na loob ng judge sa mga magulang ni Roberto kaya nakasiguro si Roberto na guilty na talaga ang verdict kay Felix ng judge.

Nang isumbat ni Ofelia sa judge ang tinatago nitong isa pang pamilya sa Batangas, natakot ang judge, halatang bibigay na kay Ofelia.

May nakita lang si Melissa na damit ni Felix na napasama sa mga gamit nila, naluha na naman ito, naaalala ang mga good memories nila ni Felix.

Naghahanap ng laruan si Eva but instead, picture nila ng kanyang Mommy at Daddy Felix ang nakita kaya naluluha ang bata na naaalala ang kanyang ama.

Si Ofelia na ang isinasalang sa witness stand. At sinabi niyang malandi si Melissa, na kaya kahit alam nang si Felix ang rapist at napatawad na nga, biglang idinedemanda dahil gustong makipagbalikan kay Roberto.

Nag-react si Melissa, sumisigaw, umiiyak habang itinatanggi ang testimonya ni Ofelia. Sumabog na ang awa ni Felix kay Melissa kaya biglang tumayo at isinigaw ang confession na hindi totoo ang lahat na sinabi ng witness. 

Painit na ang mga nangyayari sa inaabangang programa tuwing hapon sa GMA 7 na Broken Vow na bida si Bianca King.

vuukle comment

BIANCA KING

BROKEN VOW

DADDY FELIX

FELIX

JUDGE

JUDGE ACUNA

MELISSA

OFELIA

ROBERTO

SI OFELIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with