^

PSN Showbiz

Magasin may 3-in-1 na rin!

-

MANILA, Philippines - Isa sa mabilis na lumalaking pub­likasyon ngayon ang Mindmas­ter Publishing Company. Sa loob ng anim na taon, nakapagpalabas na ang kumpanya ng mga ti­les na tulad ng Astro Horoscope, Feng Shui, Astro Horoscope Lucky Charms, UpBeat Songhits, Pinoy Puzzle, Word Quest, Ku­wentong Multo, at English Crossword na na­ging bahagi na ng kamalayan ng palabasang mga Pinoy.

Sa pagdami ng kanilang mga mam­­babasa, nagdagdag sila ng da­lawa pang mga title na kasasabikang basahin.

Ang FAME Magazine (Famous Athletes, Moviestars, and Entrepreneurs) naman ay isang bagong magazine na nagtatampok sa buhay, pagmamahal at mga tagumpay ng sikat na mga celebrities sa sports at showbiz at sa mga negosyanteng Pilipino.

Ipinasya nilang maglabas ng makabagong idea ng katuwaan sa konseptong 3-in-1 na magazine. Nasusulat sa Taglish ang magazine na pampamilya dahil sa mga artikulong kaaya-aya, nakakaaliw, at nagtuturo ng makabuluhang impormasyon.

Ang Celebrity Food & Health Magazine ay tumutugon sa lifestyle ng Pilipino. Ginawa ito kapwa para sa mahihirap at ma­yayaman. Mababasa rito ang hinggil sa mga masasarap at masusustansiyang pagkain sa iba’t ibang bansa. Nagbibigay din ito ng bagong balita at makabuluhang impormasyon hi­nggil sa mga paboritong celebrities at ang pagkaing gusto nilang kainin at lutuin kasama pa ang mga pampaganda. Hinihikayat din dito at ginagabayan ang mga Pilipino sa malusog na lifestyle.

Ang 3-in-1 Magazines ay mabibili sa halagang P60, lumalabas buwan-buwan at mabibili sa mga pangunahing bookstores at newsstands.

vuukle comment

ANG CELEBRITY FOOD

ASTRO HOROSCOPE

ASTRO HOROSCOPE LUCKY CHARMS

ENGLISH CROSSWORD

FAMOUS ATHLETES

FENG SHUI

HEALTH MAGAZINE

PILIPINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with