Piolo tameme kay Sharon
As if naman papayagan si Piolo Pascual ng ABS-CBN pero, sinagot ni Megastar Sharon Cuneta kung may tsansa bang i-guest niya sa kanyang bagong programa sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo, Kapatid si KC Concepcion.
“I’d rather guest KC, she’s under Viva anyway,” sabi niya.
Sa kabila ng gulo, Piolo has maintained his silence na siyang ikinagagalit ng publiko na naniniwalang entitled sila sa panig ng aktor. Hindi komo sikat siya ay wala na itong katapusan. Naniniwala ang ilan na bilang pagtanaw ng utang na loob ng aktor sa media, kailangang magbigay siya ng pahayag. Lalo’t may mga proyekto siyang kailangang ipromote. Tulad ng bago niyang pelikulang Every Breath You Take kapareha si Angelica Panganiban.
Pero bilang pangangalaga sa kanya ng Star Cinema, sa presscon ng nasabing pelikula niya, ipinagbawal ang pagtatanong ng mga walang kinalaman sa pelikula bagaman at nakaringgan siya ng mga salitang : “I guess may mga bagay na kailangan tayong gawin na naayon sa pagkakataon na ibinibigay sa atin. Ang sa akin po, I guess I’m just going with the flow. Nagtatrabaho ako, kung ano ang pinagagawa sa akin, yun ang gagawin ko. Kung anuman yung sa personal na buhay ko, dumarating at dumarating po ‘yun. At you deal with it as you go through it. Sa akin po, in time siguro.”
Need you ask for more? Rayver ‘di kayang pakawalan si Cristine
Sa kabila nang pagtutol ng maraming nagmamalasakit kay Rayver Cruz dahil sa mga hindi kagandahang pagkatao ng dyowa niyang seksi na si Cristine Reyes at maski na ng kanyang pamilya, balitang nagkabalikan sila.
Sana maging maganda ang second episode ng kanilang love story. At baguhin na sana ni Cristine ang kanyang pag-uugali, bago pa mawala ang mga taong nagpapahalaga sa kanya.
Kongresista naniniwalang dapat may National Artist taun-taon
Pangalawang pagkakataon ko nang makita’t makilala ang congressman ng first district of Cagayan na si Jack Enrile. Kung inaakala ko na magiging anino lang siya ng kanyang mabunying ama na tumatayong hurado sa kasalukuyang ginaganap na impeachment kay Chief Justice Renato Corona, maling-mali ako. Sa pakikipag-usap sa ilang piling entertainment press/friends ng kasamahang Jobert Sucaldito, na isa niyang kaibigan, ipinamalas niya na matalino rin siya at maraming kaalaman, isang malaking bagay para sa gagawin niyang pagtakbo sa Senado sa darating na eleksiyon.
Samantala, naniniwala ang kongresista na kailangan ng kaunting tulak para maiangat muli ang industriya natin ng entertainment.
Naniniwala rin siya na taun-taon ay dapat may mapiling National Artist para sa local entertainment.
- Latest