^

PSN Showbiz

Ella todo ang iyak nang maging bida

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa Lunes ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya Network ang pinakabagong teleserye na Aryana. Pinagbibidahan ito ni Ella Cruz na sumusunod sa yapak nina Claudine Barretto, Anne Curtis, at Mutya Orquia sa pagganap bilang isang sirena sa soap opera. Napapaluha si Ella at ang kanyang Mommy Jessica sa tuwing maalala ang hirap na kanilang pinagdaanan bago tuluyang nakapasok sa showbusiness.

“Talagang noong nagsimula na nag-a-audition pa lang kami, pila-pila, mga supporting roles, siya (Mommy Jessica) na po ang lagi kong kasama, sa mga taping siya lang. Kahit puyatan siya po ang nagda-drive, wala po kasi kaming driver, si mama lang po talaga. Siya ’yung tumutulong sa akin para maabot ko ’yung pangarap ko kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya kasi hindi niya ako pinabayaan,” emosyonal na pahayag ni Ella.

Maraming beses nang naranasan ni Ella ang hindi matanggap para sa isang proyekto pero ipinapaliwanag na lamang ng kanyang Mommy Jessica kung bakit hindi siya nakuha. 

“Siguro hindi ito ’yung role na para sa iyo, hindi mo pa panahon na sumikat, maghintay ka lang, mag-pray ka lang, darating din ’yung panahon mo para sumikat,” kuwento ni Ella.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang dalagita sa mga nangyayari sa kanya.

Ang Aryana ay kuwento ng isang batang isinumpa upang maging sirena at magkakatotoo lamang ang sumpa kapag nag-labing apat na taon ang bata.

SLATER nagkakagusto sa tibong si Divine

Maraming grupo ng tagahanga ang nabuo para kina Slater Young at Divine Maithland-Smith ng Pinoy Big Brother. Marami sa mga tagahanga ang umaasang magkakatuluyan sina Slater at Divine kahit aminado ang huli na isa siyang lesbian. Aminado rin naman si Slater na crush niya si Divine.

“If my sexual preference was different, of course, I would be interested in Slater. Pero I am a lesbian, but Slater has the characteristics of a guy that would be looking for if I were straight,” pag-amin ni Divine. “He’s very manly because I would prefer a more manly guy. He opens the door. He’s charming. He’s lahat. He’s a good guy.”

Matatandaang nagkahalikan sina Slater at Divine noong nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya. “It was part of a dare pero I didn’t hesitate because it’s Divine, sobrang close kami. Siyempre crush ko siya,” nakangiting sagot ni Slater.

Alam naman ng binata ang limitations kung hanggang saan lang dapat sila ni Divine. “I know in some ways pero alam kong hanggang dun lang ’yan,” pahayag ni Slater.

Hindi makapagsalita ng tapos si Divine kung magbabago pa ang kanyang sexual preference at kung magugustuhan niya si Slater balang araw. “People do change. I’m not saying that in thirty years or something, I would change my preference cause I’m all for change. Pero I know who I am and I’ve been this way since bata ako. I mean I love Slater so much but I don’t know. As for now, I know who I am,” pagtatapos ni Divine.

Wala namang problema sa dalawa kung sakaling mabigyan rin sila ng proyekto na sila ang magkatambal. Reports from JAMES C. CANTOS

ANG ARYANA

ANNE CURTIS

CLAUDINE BARRETTO

DIVINE

DIVINE MAITHLAND-SMITH

ELLA

MOMMY JESSICA

PERO I

SLATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with