^

PSN Showbiz

Aktres may ibang karelasyon na bago pa nakipag-split sa BF!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Kailan kaya aamin ang isang aktres tungkol sa kanyang bagong ‘karelasyon?’

Ito ay matapos niyang bigla-biglang kalasan ang boyfriend niyang nagdurugo pa ang puso hanggang ngayon.

Noong Holy Week ay iba na ang kasama ni aktres, hindi na ang BF niya, ayon sa source na nakita nga si aktres sa isang hotel sa Malaysia. Ito ay kahit alam ng lahat na sila pa ng BF niya.

Aamin naman kaya siya?

Tickets sa birthday concert ni Sarah, mabibili na!

Available na simula bukas, Martes, May 1, ang tickets para sa birthday concert ni Sarah Geronimo sa July 7, Saturday na gaganapin sa Big Dome (Smart-Araneta Coliseum) na pinamagatang 24/SG.

Kakaibang concert ang inihahanda ng Pop Princess bilang blowout na rin niya sa mga fans at lahat ng taong nagmamahal sa kanya, isang concert na hindi pa napapanood, ayon sa big boss ng Viva Concerts na si Mr. Vic del Rosario.

Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah na ngayon ay kinikilala nang isang mahusay na host dahil sa tagumpay ng kanyang programang Sarah G. Live sa ABS-CBN na consistent sa No. 1 slot tuwing Linggo ng gabi.

Ilang beses na niyang napuno ang Big Dome, at ngayon muli niyang patutunayan na siya ang concert queen ng kasalukuyang henerasyon.

Pero ayaw pang magbigay ng detalye ni Boss Vic para sa 24/SG.

Kilala ring fashionista si Sarah kaya siguradong bonggang-bongga ang kanyang mga susuutin.

Ruffa ayaw nang pumatol sa mga naninira

Ikinumpisal ni Ruffa Gutierrez na naging emotional siya kamakailan nang mabasa at marinig ang mga unfavorable comments tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya. Pero mabilis niyang na-realize na hindi niya kaila­ngang patulan ang mga taong hindi naman mahalaga sa kanya at bumaba sa kanilang level.

Kaya from hereon, she opted to take the high road at mag-concentrate na lang sa productive and fulfilling professional and personal endeavors.

At isa sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang promo ng pelikulang The Mommy Returns, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment, Inc. kasama sina Gabby Concepcion and Pokwang at idinirek ni Joel Lamangan with Gloria Diaz, John Lapus, and Jillian Ward. Comedy ang movie pero may touch of horror ang The Mommy Returns.

Naalala ni Ruffa na marami silang pinagsamahang pelikula noon ni Gabby.

Say naman niya tungkol kay Gloria Diaz: “It’s an honor and pleasure to work with Ms. Diaz,” na isa sa mga hinahangaan niya.

Kung sabagay kaibigan niya ang daughter ng da­ting Miss Universe na si Isabelle Daza at ang pamangkin nitong si Georgina Wilson. Ma­lamang magkasundo rin sila dahil pareho silang beauty queen.

At siyempre bukod sa pagiging actress at beauty queen, bongga ang career ni Ruffa as TV host sa TV5, pagiging fashion icon, at product endorser at pinaka-importante ang pagiging mother sa dalawa niyang anak na sina Lorin and Venice. Iniisip din niya ang kapakanan ng mga kababaihan kaya wala na siyang energy para pumatol pa sa mga bashers at nang-aaway sa kanya at sa pamilya niya.

Anyway, showing na sa May 9 ang pelikula nila at sasamahan niyang manood ang dalawang dala­ginding niya. Bukod kasi sa pampamilya ito, may mga lessons pa silang matututuhan.

She looks forward to doing more films, drama, or comedy, whatever, basta maganda.

So, walang aasahang Ruffa na makikipag-away at makikigulo pa sa mga intriga sa kanyang pamilya.

Paalala ni Mr. Duavit ng GMA 7: ‘Hindi Kami For Sale’

Masipag sumagot si GMA Network president at COO Gilberto R. Duavit, Jr. sa walang kamata­yang issue na binibili ang kanilang network.

Sa kabila kasi ng denial nila, tuloy ang usap-usapan na malapit na itong mapasok ng grupo ni Mr. Manny V. Pangilinan. Kamakailan ay kumalat uli sa social networking site na Twitter na may sign si Mr. Pangilinan na malapit na nga.

Anyway, ang latest na idinenay ni Mr. Duavit ay ang lumabas sa isang broadsheet — Networks Shakedown Rocks Industry — kamakailan.

Ayon kay Mr. Duavit, pawang walang basehan ang mga ipinahayag sa artikulo na tumutukoy sa broadcast television bilang isang “sunset” industry. 

Unang nilinaw niya ay na-misquote siya (Duavit) sa pahayag na “that is not to say that GMA-7 will not be sold.”

Sinabi pa niya sa press statement na paulit-ulit nang ipinahayag ni Duavit na “GMA-7 is not for sale…but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.”

Sa kasalukuyan, walang nagaganap na seryo­song negosasyon sa pagitan ng GMA at ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Group, ayon pa kay Mr. Duavit.

Pangalawa sa nilinaw sa lumabas na artikulo ay ang tinukoy nitong ang 100 percent ng GMA-7 ay base sa share trading price at total number of listed shares sa stock exchange. Ito ay malinaw na walang katotohanan, ayon kay Mr. Duavit.

Ayon kay Duavit, ang 30.86 percent ng stock ng kumpanya na maituturing na preferred shares ay hindi listed sa stock exchange. Ang preferred shares na ito ay naging subject ng disclosures sa Philippine Stock Exchange at Securities and Exchange Commission.

Pangatlo, ay ang pagtaas sa kabuuang gastos ng GMA ay hindi lamang dulot nang matinding kumpetisyon na tinukoy sa artikulo.

Nilinaw ni Duavit na ang pagtaas ng programming spending ng GMA noong 2011 ay masusing pinag-isipan bilang pamumuhunan ng kumpanya para maisakatuparan ang pangunguna sa nationwide ratings at dulot nito ay malinaw na kabutihan para sa kumpanya.

Pang-apat, ayon sa artikulo, ang paggamit ng high definition (HD) television (TV) ay nangangailangan ng malaking kapital.

Pinabulaanan ito ni Duavit. Para sa mga broadcasters, ang pinakamalaking investment dito ay ang transmitter network na kung pagbabasehan ang halaga ay hindi hadlang o mabigat na balakid sa pagsasakatuparan ng HD TV. Sa katunayan, ang digital transmitter ay mas murang i-maintain at i-operate at mas efficient kumpara sa analog equivalent nito, ayon pa sa press statement.

Mariin ding pinabulaanan ni Duavit ang closing statement ng writer na nagpapahiwatig ng pagmama­liit sa GMA bilang isang nangungunang network sa industriya.

Higit pa, sinabi pa nilang hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang GMA ay walang long-term debt at patuloy na pinalalago ang business revenue maliban pa sa conventional television advertising, at litaw ito sa mga international channel ng kumpanya.

“If ours were a ‘sunset’ business as the writer implies, then the question is why certain amounts attri­buted to the value of our company are such, and why TV5 is spending billions building its infrastructure, pirating talents, and taking losses just to gain a foothold,” sabi ni Duavit.

Xian, Certified Recording Artist Na

Todo arangkada na ang career ni Xian Lim sa showbiz. Dahil ang isa sa mga pinakatinitiliang aktor ngayon sa bansa ay isa nang certified singer!

Matapos pakiligin ang sambayanan sa My Binondo Girl katambal si Kim Chiu, ang kanyang singing talent naman ang ibabahagi ni Xian sa paglabas ng kauna-unahang album niya na may titulong So It’s You.

“Pangarap ng bawat musician ang magkaroon ng sariling album kaya sobrang saya ko noong nalaman ko na magagawa ko siya kasi ito talaga yung gusto kong gawin,” pahayag si Xian.

Sa ilalim ng produksiyon ng Star Records, limang tracks ang laman ng album ni Xian kabilang ang carrier single nitong original composition mismo ni Xian na Puso Kong Hibang, ang theme song ng teleseryeng My Binondo Girl na Ako’y sa ’Yo Lamang, at ang sariling bersiyon ni Xian ng mga OPM hit songs na So It’s You, Reaching Out, at Oh Babe.

Ang So It’s You album ay maari nang ma-download sa www.starrecords.com.ph, www.mymusicstore.ph, at sa iTunes sa www.amazon.com sa Mayo 10.

AYON

DUAVIT

GMA

MR. DUAVIT

NIYA

RUFFA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with