^

PSN Showbiz

Angelica nahirapang katrabaho si Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isang nakakikilig na pelikula ang handog ng Star Cinema para sa kanilang 19th anniversary, ang Every Breath U Take. Pinagbibidahan ito nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Ito ang kauna-unahang pagtatambal ng dalawa sa isang pelikula na talaga namang may magandang istorya. “Paano kiligin ang isang babae sa isang lalaking almost perfect, na naniniwala siya ’yun ang para sa kanya. Natural ’yung takbo ng kuwento. Hindi pinipilit ’yung punch line. Hindi pinipilit ’yung story. Hindi pinipilit ’yung kilig. So, natural na natural siyang nangyayari,” pahayag ni Angelica.

Ayon sa aktres, ibang-iba ang pelikulang ito sa lahat na kanyang mga nagawa.

“First time ko gumawa ng ganitong klaseng movie. Iba ’yung pakiramdam na may ka-love team ka, na may kasama kang leading man at isa kang leading lady sa pelikula na kinikilig kayo, na in love kayo,” dagdag pa ng dalaga.

Malapit sa puso ni Angelica ang kanyang role sa pelikula dahil hindi ito nalalayo sa totoong buhay. “Pagdating sa pagmamahal medyo halos pareho si Majoy (karakter ni Angelica) at si Angelica. Kung paano kiligin si Majoy, ganun si Angelica. I think sa buong pagkatao nilang dalawa kasi kahit kung paano kiligin si Majoy sa pamilya niya, sa lola niya, sa pinsan niya, sa kaibigan niya, ganun din si Angelica,” paliwanag ng dalaga.

Ipinagtapat din ni Angelica na nahirapan siya talagang makatrabaho si Piolo sa pelikulang ito. “Mahirap makatrabaho si Papa P, kapag wala kang control sa self mo, talagang mai-in love ka sa kanya. Isa siyang amazing person, almost perfect. Puwede mo na ngang sabihing perfect siya eh. Actually, dito sa pelikulang ito, dun ko siya nakilala nang sobra. Sana hindi ito ang huli. Nakikita kong komportable kami sa isa’t isa,” giit pa ng aktres.

Palabas na sa mga sinehan simula May 16 ang Every Breath U Take.

Gerald nami-miss ang pagiging sweet ni Kim

Huling nagkatambal sa pelikula sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Till My Heartaches End na ipinalabas noong 2010. Ngayon ay isang pelikula na naman ang kanilang pagsasamahan na tiyak na aabangan ng kanilang mga tagahanga. Sobrang excited na sina Gerald at Kim sa kanilang bagong proyekto.

“Isa po ’yan sa dapat abangan sa movie na ito. Kami ang magka­tambal dito. Excited na akong makasama rin ulit si Kim sa movie,” nakangiting pahayag ni Gerald.

“Hindi siya talaga super love story, kasi ’di siya naka-focus sa isang tao lang. Ang daming mangyayari, ’yung main story all about love. Lahat gagawin mo alang-alang sa pag-ibig,” pahayag naman ni Kim.

Marami ang nagtatanong sa dalawa kung magkakaroon kaya sila ng ilangan sa kanilang muling pagtatambal dahil sa mga kontrobersiyang pinagdaanan nila?

“Wala naman po kasi magkaibigan naman talaga kami. Never naman kaming nag-away ng ganoon talaga,” sagot ni Kim.

“Four years kaming magka-love team ni Kim. Pagdating sa trabaho, sanay na sanay kami sa isa’t isa. Nakaka-miss ding kasama si Kim, ’yung pagi­ging professional niya, ’yung pagiging sweet niya,” pagtatapat naman ni Gerald. Reports from JAMES C. CANTOS

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

EVERY BREATH U TAKE

KIM

MAJOY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with