^

PSN Showbiz

'Wag nang itulad kay Da King, Dolphy, kailangang matanggap na ang National Artist Award habang malakas pa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga nag-survey para sa mga artista na karapat-dapat nang ideklara bilang National Artist at ang pangalan ni Dolphy ang nangunguna.

Nagkakaisa ang sagot ng ating mga kababayan na panahon na para tanghalin na National Artist ang Comedy King.

Hindi rin bayolente ang reaksiyon ng mga Noranians at Vilmanians dahil agree sila na dapat nang maging National Artist si Mang Dolphy kesa sa kanilang mga iniidolo na aktres.

Ibigay sana kay Mang Dolphy ang National Ar­tist Award habang malakas pa ang komedyante para ma-appreciate niya ang mataas na pagpapahalaga sa kanya.

National Artist For Film ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. pero nasa kabilang buhay na siya nang ipagkaloob sa kanya ang mataas na karangalan.

Eh ang sarap ng feeling kung natanggap iyon ni Kuya Ron noong nabubuhay pa.

Sa totoo lang, maraming artista ang karapat-dapat na hirangin bilang National Artist.

Hindi naman siguro kalabisan kung taun-taon eh may artista na idedeklara na National Artist bilang pagkilala sa kontribusyon nila sa entertainment industry.

Nakalinya ang mga possible National Artist awardees. Nariyan sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Mang Dolphy, Ramon Revilla, Sr. Vilma Santos, Nora Aunor, pati na si Papa Joseph Estrada. 

Jesse Ejercito magpo-produce uli ng malalaking pelikula

May nagkuwento sa akin sa plano ni Papa Jesse Ejercito na muling mag-produce ng pelikula.

Iniisip ni Papa Jesse na i-produce ang remake ng Menor de Edad na siya rin ang produ noong dekada 70.

Hit movie noon ang Menor de Edad na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Chona Castillo, at Sandy Andolong.

Si Papa Jesse ang produ ng Seven Stars Productions at sangka­tutak na hit movies ang ginawa noon ng kanyang movie outfit.

Kiray feeling maganda

Feeling beautiful si Kiray Celis na may bagong pelikula na ipino-promote, ang The Mommy Returns ng Regal Entertainment, Inc.

Si Kiray ang magandang role model para sa mga bagets na walang confidence sa sarili at hindi naniniwala na beautiful sila.

vuukle comment

ARTIST

CHONA CASTILLO

COMEDY KING

EDAD

EDDIE GARCIA

FERNANDO POE

MANG DOLPHY

NATIONAL

NATIONAL ARTIST

PAPA JESSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with