^

PSN Showbiz

Ella ngayon lang nakilala

- Veronica R. Samio -

Sino ba si Ella Cruz at bakit agad siyang ginawang bida ng ABS-CBN?

Maliban sa pagganap niya bilang batang Cristine Reyes sa Dahil sa Pag-ibig, wala nang iba pang pagkakakilanlan ang mga manonood sa TV sa isang bagong Kapamilya na may pangalang Ella. Kundi pa siya humarap sa media para mas makilala pa, hindi maalalang naging best child star siya ng Famas nung 2008. Kasama rin siya sa mabilis lumaking mga bata ng Goin’ Bulilit. Bago sa ABS-CBN ay nakapagtrabaho na siya sa TV5 at GMA 7. Sa huling istasyong pinuntahan niya gustong manatili dahil “Number one station ito.”

Labinlimang taong gulang si Ella na anak ng isang konsehal at isang simpleng maybahay na kasa-kasama niya sa kanyang pagtatrabaho.Nagbalak din itong mag-artista nung kabataan niya  pero maliban sa pag-o-audition sa Ang TV na nagkaroon pa ng problema ay wala na  itong karanasan pa sa showbiz.

After her kilig performance sa Dahil sa Pag-ibig na kung saan ay hinirang sila ni Paul Salas bilang Love Team of 2012, nakuha siya para gumanap ng title role sa fantaseryeng Aryana, isang kabataan na magbabago ang takbo ng buhay pagsapit niya ng kanyang ika-14th birthday. Magiging isa siyang sirena na katuparan ng sumpa na ginawa sa kanya ng isang prinsesa ng mga sirena (Desiree del Valle) bilang kabayaran sa pagkamatay ng kanyang mga magulang na isinisisi nito sa ama ni Aryana (Tonton Gutierrez).

Sa May 6 na magsisimulang mapanood ang Aryana.

Liz Alindogan gustong maging indie film producer

Kahit na hindi na aktibo sa pag-aartista si Liz Alindogan at medyo malusog na ang pangangatawan, isa siya sa rumampa sa  isang mini fashion show para sa launching ng Kath’s Collection, isang brand ng mga bags and accessories na ginanap sa Manila Hotel kamakailan lamang at pag-aari ni Michelle Baldemor ng Paete, Laguna.

Pag-aasikaso na ng kanilang family business ang kumakain ng panahon ng dating sexy star at isa sa mga Dolphy’s Angels nung kapanahunan niya. Kapag nagkaroon siya ng panahon ay gusto niyang mag-prodyus ng kahit isa man lamang na indie film sa taong ito.

JC special guest sa birthday ni Danita

Kahit sinasabing break na sila ni JC de Vera, ang aktor pa rin ang special guest ni Danita Paner sa isang surprise dinner na ginawa ng kanyang inang si Daisy Romualdez para sa kanya. Actually, walang balak mag-celebrate ng birthday ni Danita. Nagpakain na lang ito sa kanyang mga kasamahan sa set ng Isang Dakot na Luha, isang serye na ginagawa niya para sa TV5 kasama si Alice Dixon.

Hindi natuloy ang taping niya ng serye nung April 2 kaya biglang nagpatawag para sa isang dinner ang kanyang ina na ginanap sa isang restaurant sa Makati City. Mga close friends lamang ang tinawagan na in so short notice ay nagawa namang makarating. Dumating din sina Gloria Romero, Gov. Chavit Singson kasama ang family at staff nito at si JC nga na dating boyfriend at hanggang ngayon ay kaibigan pa rin ni Danita.

Sa bahay ng mga Paner tumuloy si JC at sumabay na sa pamilya sa pagpunta sa restaurant. Hindi sa sasakyan ng kanyang mga magulang sumakay si Danita. Dun sa kotse ni JC na hindi tinutulan ng mga magulang niya dahil nananatili naman ang friendship ng dalawa at malaki ang tiwala nila sa aktor.

vuukle comment

ALICE DIXON

ARYANA

CHAVIT SINGSON

DANITA

ISANG

LIZ ALINDOGAN

NIYA

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with