Pokwang nagsalita na sa kapatid na nakulong sa abroad!
MANILA, Philippines - Nagpaliwanag kahapon si Pokwang tungkol sa lumalang isyu kamakailan na hindi niya tinutulungan ang kapatid niyang nasa kulungan sa Qatar.
Ayon kay Pokwang na isa sa mga bida sa pelikulang The Mommy Returns ng Regal Entertainment, nung una ay wala silang alam na nakakulong pa pala ang kapatid niya dahil inayos na nilang magkakapatid ang problema nito sa pera. “Tinulungan na namin siyang magkakapatid. ‘Yung kapatid kong nasa Australia at Switzerland, pinagtulungan naming ayusin ang problema niya. Kaya ang alam naming lahat wala na siyang problema,” sabi niya sa tsikahan kahapon.
“Saka kasi ‘di ba parang seed ‘yan na binigay mo sa kanila kaya sila na ang bahala kung paano nila ‘yun palalakihin,” paliwanag niya bilang isa siya sa mga tumulong para makapag-trabaho ito sa abroad.
Isang dosena pala kasi silang magkakapatid at pang-anim ang kapatid niyang lalaki na sinasabing nakakulong nga dahil sa problema sa pera. Besides hindi naman daw nila pinababayaan ang pamilya ng kapatid niyang ito.
Sinagot din niya ang mga lumabas noong wala siyang kinikilalang Diyos dahil nasabi niya na minsan lang siyang nagsisimba as in hindi regular. “Porke ba hindi ka nagsisimba parati, masamang tao ka na. Wala akong pinatay na tao,” sabi niya.
Anyway, jackpot ang pakiramdam niya sa pelikulang The Mommy Returns dahil maraming beses silang nagkahalikan ni Gabby Concepcion. ‘Yun nga lang daw, parating biglaan so, very quick lang naglapat ang mga labi nila.
Kasama nila bilang bida sa The Mommy Returns si Ruffa Gutierrez. Showing na ang movie sa May 9.
- Latest