^

PSN Showbiz

Shalani ayaw magbigay ng payo kay Grace Lee

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

 PIK: Muling ni-launch ng Bench ang Gutz and Glory deo-cologne na ini-endorse ni Richard Gutierrez kamakalawa ng gabi sa SM Mall of Asia.

Sunud-sunod na ang launching ng mga bagong endorsements ng aktor. Meron pa siyang isang ma-laking endorsement na malapit na ring ipakilala kung saan isa ito sa mga advocacy niya sa larangan ng edukasyon.

Tamang-tama lang ito dahil malapit na ring simulan ang bagong drama series niya sa GMA 7 na Makapiling Kang Muli at meron pa siyang public affairs program na Pinoy Adventures.

PAK: Sinilebreyt ni Councilor Shalani Soledad-Romulo ang kanyang 32nd birthday na ginanap sa kanilang tahanan sa Valle Verde 3 kamakalawa rin ng gabi.

Dineklara na rin ni Shalani na tatakbo siya sa 2013 elections sa mas mataas na posisyon. Hindi pa niya masabi kung sa Congress, mayor, o vice mayor ng Valenzuela ang posisyon na tatakbuhan niya dahil last term na niya ’yun bilang konsehal.

Okay lang kay Shalani na makatrabaho uli si Pres. Noynoy Aquino kung sakaling nasa isang partido pa rin sila.

Medyo tipid ang sagot nito nang tinanong namin tungkol sa relasyong P-Noy at Grace Lee. Napangiti lang ito nang tinanong namin kung maiilang ba ito kung magkita sila uli ng presidente.

Tinanong na rin namin kung may maibabahagi ba siyang payo kay Grace pagdating sa pakikipagrelasyon nito kay P-Noy.

 “I think si Grace Lee naman is seems to be a smart lady. So, I’m sure hindi na niya kailangan ng advice. More or less alam na nila how to handle a relationship,” sagot nito.

BOOM: Galit si Aiza Seguerra nang nalaman niyang nagpa-interview ang dating karelasyon nito at manager na si Chen Sarte at pinag-usapan ang tungkol sa kanilang break-up.

Ayon kay Aiza, nung nakaraang October pa sila nag-break ni Chen at maayos ang kanilang paghihiwalay. Bakit ngayon lang ito nagpa-interview? Ang gusto sana niya maging pribado lang ang ganung bagay dahil kahit nung sila pa, hindi naman nila ito pinag-uusapan sa publiko.

Ano ang gustong palabasin ni Chen at nagsasalita pa siya ngayon sa media?

In fairness naman kay Chen, napilitan lang siyang sagutin ang mga pangungulit namin nang sandaling nakatsikahan namin ito sa general assembly ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit.

Hindi siya sanay sa interview kaya hindi rin siya marunong tumanggi sa mga gustong mag-interview sa kanya.           

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

CHEN

CHEN SARTE

GRACE LEE

GUTZ AND GLORY

MAKAPILING KANG MULI

MALL OF ASIA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with