^

PSN Showbiz

Mader Ricky sanay mamalimos sa mga mayayaman!

-

MANILA, Philippines - Kung anuman ang narating ni Mader Ricky Reyes ay ipinagmamalaki niyang galing sa Maykapal at bunga ng kanyang sipag, tiyaga at pagsisikap.

Aminado siyang natuto siyang mamalimos nang simulan niya ang Ricky Reyes Foundation na tumutulong sa mga mahihirap, matatanda na inila­lagak ng pamilya sa Home for the Aged, mga batang ‘di nakakapag-aral, mga batang kalye na kinakandili ng DSWD matapos maging criminal at sa isang bahay-tuluyang Child Haus kung saan tumitira ang mga batang may Cancer at iba pang malubhang sakit habang nagpapagamot sa mga ospital sa Maynila at mga karatig.

“Masarap sa tenga na tawagin akong Professional Beggar ngayon dahil sa panunutok ko sa mga kaibigan at ibang taong may ginintuang-puso para makalikom ng pera, gamot, pagkain, damit, atbp para sa mga tinutulungan namin,” sabi ni Mader na noong kaarawan niya’y nagdiwang sa Child Haus kung saan binigyan nila nina JM de Guzman, Jinkee Pacquiao, at Tates Gana-Bautista ng isang salu-salo, mga laruan at entertainment ang mga bata.

Nasorpresa naman siya nang bigyan ng isang party sa FVR Park sa Fort Bonifacio ng kanyang mga kaibigan at tauhan na dinaluhan ng mahal na inang si Mama Ada at mga kamag-anak. Naroon din ang mga Metro Manila Mayors and espouses, Gigi Santiago and Darling de Jesus of GMA, mga beauty Queen na sina Evangeline Pascual at Lorraine Schuck at isa sa mga unang Ricky Reyes Salon endorsers na si Ms. Chiqui Hollmann-Yulo.

Tutok lang sa Life And Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas diyes ng umaga sa GMA News TV para masaksihan ang dalawang araw na pagdiriwang. 

CHILD HAUS

EVANGELINE PASCUAL

FORT BONIFACIO

GANDANG RICKY REYES

GIGI SANTIAGO AND DARLING

JINKEE PACQUIAO

LIFE AND STYLE

LORRAINE SCHUCK

MADER RICKY REYES

MAMA ADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with