^

PSN Showbiz

Director at cameraman hirap na hirap angguluhan ang aktres na nagpakalkal ng ilong!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Inabangan ko talaga ang isang TV show para makita ko ang bagong mukha ng aktres na natsismis na nagpaayos ng ilong.

Kalat na kalat kasi ang balita na magang-maga ang ilong ng aktres ng mag-report ito sa taping dahil ipinatsugi niya ang nose na dati nang matangos.

Siyempre, curious ako na malaman kung nagbago ang face ng hitad. Gumanda ba siya o nasira ang kanyang hitsura tulad ng nangyari sa face ng ibang artista na ginawang hobby ang pagpapakalkal ng mukha?

Hirap na hirap nga ang mga cameraman at ang direktor sa paghahanap ng magandang anggulo para hindi mahalata sa TV ang swollen nose ng aktres na itinuloy ang taping kesa ipa-pack up ito or else, aawayin siya ng kanyang co-stars.

Vilma nagpapasalamat sa paghanga ni Derek

Nagpapasalamat si Batangas Governor Vilma Santos-Recto kay Derek Ramsay dahil sa mga papuri nito sa kanya.

Nalaman ni Ate Vi ang magagandang sinabi ni Derek tungkol sa kanya sa presscon ng TV5.

Magka-text kami ni Ate Vi noong Huwebes ng gabi at kung alam ko lang ang contact number ng aktor, siguradong ibinigay ko sa kanya para makapagpasalamat siya ng personal.

Kahit nasa TV5 na si Derek, may chance pa rin na magkasama sila ni Ate Vi sa isang pelikula. I’m sure, hindi tatanggi si Derek na makatrabaho ang aktres na kanyang iniidolo.                                   

Training ni Pacman off limits na sa mga usisero

Sagaran na ang boxing training ni Congressman Manny Pacquiao sa Baguio City kaya hindi na siya puwedeng interbyuhin o kunan ng litrato.

Off limits na rin sa mga usi ang boxing training ni Papa Manny dahil makakasagabal lamang sila.

Babalik na ng Maynila ang Team Pacquiao sa darating na linggo. Live ang Manny Manny Prizes sa susunod na Sabado bilang ito ang farewell show ng Pambansang Kamao na pupunta na sa Los Angeles para ipagpatuloy ang kanyang boxing training doon.

Doble ensayo ang ginagawa ni Papa Manny para sa laban nila ni Timothy Bradley. Titiyakin niya na hindi na mauulit ang nangyari sa nakaraang laban nila ni Juan Manuel Marquez noong November.

Sa lakas ng tiwala sa Diyos at sa husay ni Papa Manny sa boxing, walang dahilan para matalo siya ni Bradley.

AVP ng GMAAC galing Unilever

Na-meet ko kahapon si Simoun Ferrer, ang newly hired AVP ng GMA Artist Center (GMAAC). Bagets na bagets pa si Simoun pero feel na feel ko na gustung-gusto niya ang kanyang bagong trabaho.

Former executive si Simoun sa Unilever Philippines at dahil sa kanyang long-time dream na makapag-work sa isang television network, sinunggaban niya ang fabulous offer ng GMA 7.

Sa meeting niya kahapon sa entertainment press, ipinaliwanag at inilatag ni Simoun ang kanyang magagandang balak para sa mga stars ng GMAAC.

Seryoso si Simoun sa kanyang goal na magkaroon ng identity at star value ang mga artista ng GMAAC at matutupad ito kung makiki-cooperate ang lahat, lalo na ang stars na pasaway sa tunay na buhay. Welcome to GMAAC Simoun!

‘Maghapon sa kalye’

Maghapon ako sa kalye kahapon dahil nag-kill time ako para sa 7 p.m. dinner namin ng mag-asawang Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo.

Naganap ang dinner sa bahay nila sa Valle Verde 3 at bukas ko ikukuwento sa inyo ang complete details ng birthday dinner ni Shalani.

vuukle comment

ARTIST CENTER

ATE VI

BAGUIO CITY

DEREK

KANYANG

PAPA MANNY

PARA

SIMOUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with