Show ni Edu sa TV5 nasungkit na ni Joey De Leon
Totoo kaya ang narinig naming si Joey de Leon na ang host ng Game N’ Go kapalit ni Edu Manzano na nabasa na lang naming hindi na magho-host ng TV5 game show?
Nadinig din naming baka pagkatapos nang i-launch ang TV5 sa North America ay sa May simulan ang airing ng Game N’ Go.
Nakuwento ni Arnell Ignacio sa presscon ng Sharon: Kasama Mo, Kapatid na tuluy-tuloy ang pagpo-promote nila sa show at naging rason nga kung bakit hindi siya nakapag-radio sa radio station ng TV5 kaya siya ay inalis.
Kris idinaan sa gym ang pagpapalaki ng boobs at puwet
Pinuna ng press na dumalaw sa set ng Hiram na Puso ang konting pagtaba ni Kris Bernal na bumagay sa kanya pero sabi nito ay nagda-diet siya para hindi lumaki ang kanyang mukha. Nagdyi-gym din siya para ma-tone ang fats sa body niya, magkaroon ng puwet, balakang, boobs, at waistline.
Maganda agad ang resulta kahit one month pa lang syang nagdyi-gym dahil may puwet na at kita ang korte ng katawan.
After Hiram na Puso, nabalitang ibabalik ng GMA 7 ang love team nila ni Aljur Abrenica sa Sana Dalawa ang Puso Ko pero dahil wala pang sinasabi sa kanya ang network, ayaw muna niyang magsalita.
Daiana freelancer na, lumayas sa Eat Bulaga
Kasama ni Daiana Menezes ang kanyang ina nang mag-host ang dalaga sa re-launching ng Crimson. Hindi lang masyadong marunong mag-English ang ina ng dalaga, kaya hindi nakausap ng press at si Daiana na ang nagsabing dito na titira ang ina. Mas mabuti kung pamilya niya ang kasama.
Ibinalita ni Daiana na nag-resign na siya sa Eat Bulaga after Holy Week, pero si Malou Choa-Fagar pa rin ang manager niya at friends pa rin niya ang mga hosts ng show at dumalaw siya sa taping.
“I just want to improve my craft, but I’m thankful sa Eat Bulaga at wala kaming problema. Like si Tita Malou, araw-araw kaming nagti-text. Five years din ako sa show, masakit na decision ’yun pero minsan you have to decide for your career,” sabi ni Daiana.
Sa tanong kung saang network siya lumipat, ang sagot ni Daiana ay she’s doing shows for other networks at gusto niyang freelancer siya. Sabi, nasa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN si Daiana.
Mga nag-o-audition sa Amazing Race ng TV5 nagkalat kung saan-saan
Pasaway ang ibang nag-o-audition sa The Amazing Race Philippines ng TV5 dahil hindi sumusunod sa regulation na ’wag ipagsasabi na nag-audition sila para nga naman walang leakage.
May aktor na nag-audition na buong ningning nai-post sa Twitter na nakapasa siya sa audition. May dalawang komedyante naman na sa isang Internet café nag-audition via Skype, ayun narinig tuloy ng ilang press na nag-I-Internet din noon ang mga itinanong sa kanila at kung paano nila sinagot.
Nalaman na ng ilang taga-TV5 ang tungkol dito, tingnan natin kung makaapekto sa chances ng mga pasaway ang kanilang pag-iingay.
- Latest