Mommy D. ayaw na namang paawat
Busy na si Congressman Manny Pacquiao sa training niya sa Baguio City. Naghahanda na si Papa Manny para sa laban nila ni Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada sa June 9.
Hindi na pinoproblema ni Papa Manny ang Manny Many Prizes, ang game show niya sa GMA 7 tuwing Sabado dahil nag-a-advance taping na siya.
Solved na rin problema sa magiging emcee ng game show habang nasa Amerika si Papa Manny dahil si Dingdong Dantes ang pansamantala na papalit sa kanya.
Ayaw din paawat ni Mommy Dionisia Pacquiao dahil matapos manahimik nang matagal noong nakaraang taon, sasabak uli siya sa showbiz dahil inihahanda na ang concert nila ni Imelda Papin.
Ang madir ni Papa Manny ang special guest ni Imelda sa concert nito sa September. Siyempre, kakanta si Mommy Dionisia with matching dance number dahil hindi kumpleto ang kanyang participation kung hindi siya magsasayaw.
Barbie nagpaka-fan, sinugod si Greyson Chance
Big fan pala ng young singer na si Greyson Chance ang tween actress na si Barbie Forteza.
Talagang gumawa ng paraan si Barbie para makita ng personal noong Lunes ang kanyang idolo.
Nagpaka-fan si Barbie dahil pinuntahan niya ang meet-and-greet session ni Greyson at nagpakuha siya ng litrato na kasama ang sikat na American singer.
Nalaman ni Greyson na artista sa Pilipinas si Barbie. Natuwa siya dahil sa support sa kanya ng Pinay young actress.
Sikat na sikat na si Greyson sa buong mundo at next Justin Bieber ang tawag sa kanya dahil pinagkakaguluhan siya ng mga teenagers sa mga bansa na pinupuntahan at pinagtatanghalan niya.
Lornatics Mga Sosyal
Ipinadala sa akin ni Lea Cutin ang litrato ng meet and greet nila kay Lorna Tolentino noong April 20 sa isang pizza house sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ng Lornatics kay Lorna dahil sa pagpapahalaga na ibinigay nito sa kanila.
Puro babae at mga bagets ang members ng Lornatics. Sila ang mga tagahanga ni LT na sumusubaybay sa lahat ng mga TV series at activities ng kanilang favorite actress.
I’m sure madali ninyong makikita si LT sa litrato na ipinadala sa akin ni Lea. Sosyal ang members ng Lornatics dahil nagpagawa pa sila ng malaking tarpaulin at T-shirts na may tatak na I Love LT.
Streetboys, 19 years na!
Ipinagdiriwang ng Streetboys ang kanilang 19th anniversary sa showbiz. Nineteen years ago na pala ang nakalilipas mula nang i-launch ng direktor na si Chito Roño ang grupo.
Bagets na bagets pa noon sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Spencer Reyes, at marami pang iba.
Witness ako sa pag-aalaga ni Chito sa Streetboys na mula sa pagiging mga dancer, naging mga TV at movie stars sila. Sina Jhong at Vhong ang mga successful members ng Streetboys dahil hanggang ngayon, okey na okey pa rin ang takbo ng kanilang showbiz career.
Aktres na may asawang super yaman, babalik na uli sa aktingan
Excited ang isang aktres sa kanyang bagong TV project dahil maganda at very challenging ang role na gagampanan niya.
Mapili sa project ang actress na award-winning. Tinatanggap lang niya ang mga TV shows dahil maganda ang role, hindi dahil mataas ang talent fee.
At dahil mapili siya, bihirang mapanood sa TV ang award-winning actress na can afford na huwag magtrabaho dahil good provider ang kanyang richie-rich dyowa. Ako ang unang magsusulat tungkol sa bagong TV show ng aktres. Hinihintay ko lang ang kanyang go signal bago ko sabihin ang kanyang well-respected name!
- Latest