Alyansang Erap-binay, susuriin!
MANILA, Philippines - Umpisa na ang paghahanda para sa halalan sa 2013 bunsod ng pag-aanib ng PDP-Laban ni Bise Presidente Jejomar Binay at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, na umani rin ng sari-saring reaksiyon sa mga kalabang pulitiko dahil umano sa magiging impluwensiya nito sa takbo ng pulitika sa bansa.
Ngayong gabi sa Patrol ng Pilipino, aalamin ni Ron Gagalac ang umano’y epekto ng alyansa nina Erap at Binay, na tinatawag na UNA o United Nationalist Alliance, sa paparating na botohan mula sa mga political analyst at miyembro ng iba’t ibang partido tulad ng LAKAS, Nacionalista, Nationalist People’s Coalition, at ang Liberal Party ng pangulo.
Ayon pa sa ilan sa kanila, maiimpluwensyahan din daw ng pagbubuo ng UNA hindi lang ang eleksiyon kundi ang mismong impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Naimbitahan na rin ng UNA ang ilang maaaring kandidato nila sa darating na eleksiyon tulad nina Joey de Venecia III, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, at Francis Escudero. Sinu-sino pa nga ba ang napapabalitang pulitikong aanib sa mas pinalakas na alyansa nina Erap at Binay?
Samantala, pag-aaralan naman ni Gretchen Malalad ang Krav Maga, isang makabago at nauusong self-defense sport mula Israel na maaaring gamitin ng mga bata at kababaihan sa pagtatanggol ng kanilang sarili.
Alamin ang kuwento sa likod ng mga balita ngayon, (Abril 24) sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.
- Latest