^

PSN Showbiz

Showbiz personality nagpapaka-wise, walang gastos sa mga kinukuhang abogado dahil puro thank you

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Maraming kaso ang kontrobersiyal na showbiz personality pero hindi siya afraid dahil may mga abogado na nag-aasikaso sa kanyang mga problema.

Higit sa lahat, hindi siya gumagastos dahil gratis et amore o thank you lamang ang pay niya sa kanyang mga tagapag-tanggol.

Ganyan ka-wise ang showbiz personality. Hindi nababawasan ang kanyang kadatungan dahil ang mga abogado na nangangailangan ng mga kaso ang nilalapitan niya para hingan ng tulong.

Manileño nae-excite na kay Erap

Naniniwala ako na matutuloy ang pagkandidato ni Papa Joseph “Erap” Estrada bilang alkalde ng Maynila sa susunod na taon.

Hindi pa nagbibigay ng kumpirmasyon si Papa Erap pero base sa kanyang mga pahayag, talagang may plano siya na kumandidato sa Maynila sa 2013.

Eh nagsalita si Mayor Alfredo Lim na kakandidato uli siya sa 2013 kung gusto pa siya ng mga tao.

Nakasalalay ngayon sa desisyon ng mga Manileño ang political career nina Mayor Lim at Papa Erap. Na-excite ang mga Manileño nang marinig nila ang balita na may intensiyon ang dating pangulo ng Pilipinas na paglingkuran ang mga residente ng Maynila.

Na-excite sila dahil puwedeng mangyari sa Maynila ang mga nagawa ni Papa Erap noong alkalde pa ito ng San Juan. Napaunlad ng todo ni Papa Erap ang San Juan at hanggang ngayon, love na love siya ng kanyang mga kababayan.

Jograd malayo na sa dating career

Dumalaw kahapon sa opisina ng PSN si Jograd dela Torre dahil may ipinangangampanya siya para sa eleksiyon ng National Press Club.

Hindi agad nakilala ng PSN employees si Jograd dahil malayung-malayo na siya sa Jograd na nakilala noon bilang komedyante. Ang sey ni Jograd, kasama siya sa cast ng Lam-ang, may radio program siya, at nagsusulat na rin. Hindi nga lang niya nabanggit ang name ng publication na kanyang pinagsusulatan.

Fans masaya sa meet-and-greet kay LT

Nagpadala sa akin ng e-mail si Lea Cutin, isa sa mga officers ng Lornatics, ang fans club ni Lorna Tolentino.

Ibinalita sa akin ni Lea na masaya ang meet-and-greet event nila with Lorna noong Biyernes pero hindi naman siya nagpadala ng mga litrato. Mas maganda sana kung nag-share rin ng pictures si Lea para makita ng dear readers ng PSN ang event na binuo nila ng mga tagahanga ni LT.

Beauty contestants  kanya-kanyang pagpaparetoke!

Malabong mangyari ang dialogue ni Melanie Marquez na hindi dapat manalo sa mga beauty contests ang mga babae na nagparetoke ng mukha at katawan.

May nagbulong sa akin na nagbago ang mga physical appearance ng ibang mga kandidata sa isang beauty pageant dahil nagpaayos sila ng ilong, ngipin, puwet, at boobs.

Dati nang sumali sa ibang beauty contest noon ang mga kandidata kaya pinagkumpara ang mga hilatsa ng kanilang mga face noon at ngayon. Lumitaw sa before and after pictures na malaki ang ipinagbago ng hitsura ng mga aspiring beauty queens. May mga nag-improve ang face pero mas marami ang maganda ang mukha noong hindi pa sila nagpaparetoke.

ALFREDO LIM

JOGRAD

MANILE

MAYNILA

PAPA ERAP

SAN JUAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with