Thia at Greyson Chance makikisaya sa ASAP 2012
MANILA, Philippines - World-class talents ang bibida sa ASAP 2012 ngayong Linggo (Abril 22) sa pangunguna ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano tampok ang kanyang ika-29 na anibersaryo sa industriya sa kanyang segment na With Love. Pakikislapin din ang ASAP concert stage ng dalawang international sensations na sina American Idol finalist Thia Megia at international teen pop star Greyson Chance.
Tiyak na kikiligin naman ang mga Kapamilya sa panghaharana ng Princess and I teen heartthrobs na sina Khalil Ramos at Daniel Padilla; habang mapapaindak naman sila sa ASAP summer dance craze na sisimulan ng royal love team na sina Kathryn Bernardo at Enrique Gil kasama sina Anja Aguilar, Sam Concepcion, Paul Salas, Makisig Morales, Sue Anna Ramirez, at Jane Oeineza.
Engrandeng triple birthday bash naman iang nihanda para sa prinsesa ng Philippine TV na si Kim Chiu, Kapamilya’s lucky charm na si Luis Manzano, at showbiz royalty na si KC Concepcion.
Patuloy ang summer party sa pagkinang ng galing at talento sa ultimate concert experience na hatid nina ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Nikki Gil at Jed Madela; sa show-stopping performances nina Toni Gonzaga, Billy Crawford at Bea Alonzo; at sa kahanga-hangang production number na inihanda ng ASAP Pinoy Champs at ASAP Sessionistas.
Magbibigay kulay din ngayong Linggo ang ilan sa mga ASAP Kapamilya na pinarangalan kamakailan sa 43rd Box-Office Entertainment Awards kabilang sina Toni, Christian Bautista, Angeline Quinto, Enchong Dee, Xyriel Manabat, at ASAP Boys R Boys.
Samantala, magpapamalas naman ng galing sa pagsayaw ang kabataang Pinoy sa dance off na hatid ng mga childwonder na sina Xyriel, Zaijan Jaranilla, Mutya Orquia, Bugoy Cariño, Deydey Amansec, Blythe Gorostiza, Yogo Singh, Abby Bautista, at ng dancefloor idols na sina Enchong, John Prats, Gabriel Valenciano, Empress, at Robi Domingo.
- Latest