Cristine tikom pa rin ang bibig!
PIK : Kahapon na umalis si Rocco Nacino patungong Ilocos Sur para simulan ang shooting ng pelikulang Lam-Ang na pagbibidahan niya.
Naikuwento sa amin ng aktor na sinukat na niya ang bahag na isusuot at medyo daring pa rin kahit naayos pa ’yun. Pero okay lang sa kanya dahil kailangan naman ’yun sa karakter na gagampanan niya.
Medyo mabigat lang sa kanya ang umalis kahapon dahil birthday ng daddy niya bukas na bale first shooting naman nito sa naturang pelikula.
Ilang araw din siyang mamamalagi roon at babalik din dito para sa taping ng The Good Daughter nila ni Kylie Padilla.
PAK : Nagpadala ng statement ang abogado ni Annabelle Rama bilang sagot sa mga pahayag ni Nadia Montenegro na magpa-file ng motion for reconsideration sa nabasurang child abuse case na isinampa kay Tita Annabelle.
Sisikapin ng kampo ni Nadia na maglabas ng witness para mapatunayang meron talagang child abuse na nagawa ni Tita Annabelle sa kanyang mga anak.
Sagot ng abogado ni Tita Annabelle: “It must be reiterated that it is not the number of witness that matter in the end but only the truth. And the truth has already prevailed that there was no child abuse.”
BOOM : Lalong nadidiin si Cristine Reyes sa kanyang pananahimik sa kasong isinampa ni Ara Mina laban sa kanya.
May mga naglalabasan tuloy na mga kuwento kung gaano ito kasama dahil may mga nakakabangga rin ang aktres sa mga nakakatrabaho niya.
Ang Viva Artists Agency ang may hawak sa magkapatid pero hindi pa rin sinasagot ni Ara ang mga tawag ng taga-Viva.
Naglabas na lang ang Viva ng statement kaugnay sa gulong ito.
“Viva Artists Agency is saddened by the current issue between two of its stars, Cristine Reyes and Ara Mina. Management will do its best to try to mediate between the two, even as we will let the court case run its due course. Everyone is hoping that this will be resolved amicably soon in everyone’s best interest.”
- Latest