Bianca King magpa-file ng rape case laban kay Luis Alandy
MANILA, Philippines - Walang maitatapon sa mga dramatic confrontations sa Kapuso afternoon drama na Broken Vow ng bidang si Bianca King lalo na ngayong haharapin niya ang pinakamabigat at pinakamasakit na desisyon sa kanyang buhay ngayong linggo.
Matapos malaman ni Roberto (Gabby Eigenmann) ang mga sikreto ni Felix (Luis Alandy), kinumpisal niya kay Melissa (Bianca) na ang kanyang asawa at ang kanyang rapist noon ay iisang tao lang. Sobrang nanlumo si Melissa sa nalamang rebelasyon at naramdaman niya ang matinding pagwawalanghiya ng taong pinagkatiwalaan niya ng kanyang buhay.
Si Roberto ang nag-udyok na mag-file ng rape case laban kay Felix para mapagbayaran nito ang malaking kasalanan. Tumulong pa siyang magbigay ng abogado. Pero ayon sa legal advice, hindi maaaring makapag-demanda si Melissa hanggang hindi siya nakikipag-divorce kay Felix na kanyang asawa.
Nagdurugo rin ang puso ni Melissa dahil ang kanilang anak ay naghahanap sa ama.
Magbago kaya ang isip ni Melissa o itutuloy ang kaso? Makaisip naman kaya ang asawa niyang kusang sumuko sa korte?
Abangan ang mga detalye araw-araw pagkatapos ng The Good Daughter sa GMA 7.
- Latest