^

PSN Showbiz

Rekomendasyong maging national artist sina Vilma at Nora, supalpal!

- Veronica R. Samio -

Nauna nang nagbigay ng kanilang pagsang-ayon  ang ilang mga kapwa artista ni Nora Aunor tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada, Boots Anson Roa, German “Kuya Germs” Mo­­reno, at Movie and Television Review and Classification Board Chair­man Grace Poe Lla­­manzares para ma­big­yan siya ng prestihiyosong titulo bilang National Artist sa pamumuno ni Bacolod Cong. Anthony Go­lez, Jr. Sinundan ito ng ilang mga rekomendas­yon para gawaran din ng nasabing titulo ang kasa­bayan niyang si Vilma San­tos na bukod sa isa ring mahusay na aktres ay isa pa ring matagum­pay na pulitiko sa bansa at tu­matayong gobernador ng lalawigan ng Batangas ngayon.

Pero bago pa masi­mulan ang paghahanda na karaniwan nang inaabot ng isa hanggang dalawang taon bago maipagka­loob sa karapat-dapat na recipient, nagbigay ng kanyang pahayag si Sen. Jinggoy Estrada na bu­kod sa da­lawang nabanggit na aktres na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanilang pa­giging artista, naririyan pa rin si Dolphy na mas senior sa dalawa hindi lamang sa edad kundi maging sa pagiging artista. Bago ang dalawang mas naka­babata sa kanya, nauna nang may nagrekomenda sa Hari ng Komedya para gawing National Artist pero dahil marahil sa kaabalahan ng mga taong dapat maggawad nito kung kaya hanggang sa ngayon ay na­ka­bitin ang rekomendasyon para sa komedyante Na­alala lamang muli ito nang may magrekomenda kina Nora at Vilma na sinususugan ng marami, ta­ga­­­subaybay man o hindi ng local movie na kilala si Dol­phy sa kanyang pagiging isang mahusay na ar­tista, isang mapagkalingang ama at isang matulu­nging tao.

Bea may parang humahabol ’pag nagsasalita

Napanood ko si Bea Binene sa Unang Hirit. Second time na yata niya ito. Akala ko nung una guest lamang siya pero hindi, meron siyang hino-host na segment na kung hindi educational ay informative.

Malaking tulong ito sa kanyang career, isang ma­laking kalamangan niya sa mga kasabayan niyang bagets na Kapuso stars. Para pagkatiwalaan siya ng segment sa isang malaganap na news prog­ram ay masasabing kapuri-puri. Pero ang napansin ko lamang ay sobra siyang mabilis magsalita, parang nagmamadali. Dapat siguro ay pag-aralan niyang magsalita ng malumanay, hindi ’yung parang nagmamadali siya at hindi na siya humihinga. Tuloy gumagaralgal ang boses niya. Kumbaga sa isang singer, malapit na siyang pumiyok. Kung kakaririn din niya ang pagho-host, dapat siguro kumuha siya ng lesson sa speech and voice delivery. Madali niya itong matututunan dahil matalino naman siya at maraming nalalaman.

Jessica nagmamakaawa sa kapwa Fil-Ams

Hindi nahihiya ang American Idol Top 5 finalist na si Jessica Sanchez na humingi ng tulong sa mga kapwa niya Fil-Am na tulungan siyang manalo kundi man makarating sa finals sa pamamagitan ng text votes. Siguro naman sa rami ng mga Pinoy ngayon sa Amerika ay hindi siya madedehado. Ito naman ay kung hindi na umiiral sa mga kababayan natin dun ’yung pagkakanya-kanya. Hindi pa ako nakakarating ng US pero halos lahat ng mga kamag-anak ko ay naroon na. Sila ang nagsasabi na hindi pa united ang mga kababayan natin dun. Nagpapataasan pa rin sila ng ihi. Marami nga sa kanila ang gusto nang umuwi pero siyempre hindi na sanay mabuhay sa hirap.

Kaya marahil may kaba si Jessica kung susuportahan siya ng mga kababayan niya. Dahil ang mga Amerikano ’yung katulad nila purong ’Kano ang sinusuportahan hindi ang isang tulad niyang Mexican/Filipino. Sayang kung nakakaboto lang tayong mga Pilipino rito, panalo na siya.

Sen. Villar nagtayo ng bagong Starmall

Dinagsa ng hindi lang ng mga taga-San Jose del Monte, Bulacan kundi ng mga karatig lugar ang bagung-bago at nagkakahalaga ng P15B ang opening ng Starmall nung Linggo (Abril 15) sa San Jose del Monte.

Kasabay nang pagbubukas ng Starmall San Jose del Monte ay ang Valiente mall tour nina JC de Vera at Nina Jose noong 2 p.m., album tour ni Erik Santos, 6 p.m., at ng San Miguel Beer promo with Jovit Baldivino and Aiza Seguerra.

Mayroon ding mall tour si Bryan Termulo sa April 20, Jimmy Bondoc, April 21; Batibot, April 22; Luke Mejares, April 25; at Bugoy Drilon at Liezel Garcia, April 28. Lahat ito ay magsisimula ng 4 p.m.

Ang Starmall ay ang ika-anim na ipinatayo ni Sen. Manny Villar at ng Starmall Group. 

AMERICAN IDOL TOP

ANG STARMALL

ANTHONY GO

NATIONAL ARTIST

SAN JOSE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with