^

PSN Showbiz

Cristine hindi lang magaling magmura, isang staff ng dati niyang show ipinatanggal din!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Nalungkot si Ynna Asistio sa ’di pag-akyat ng kasong child abuse na isinampa ng mga kapatid niya laban kay Annabelle Rama.

Nakaka-disappoint lang dahil ’yun pa naman daw ang pinakamalaking kasong gusto nilang ipaglaban kay Tita Annabelle.

 “Marami na pong nasabi tungkol sa mga kapatid ko, sa nanay ko, and sa daddy ko na hindi naman po tama.

 “Sana kung babae man o lalaki man ang nag-ayos ng case na ’yun, sana isipin naman niya na may mga anak siya. Akala namin ’yung statement ng mga kapatid ko enough na para maakyat ’yung case. Siguro kung nagkulang man kami ng witness parang mahirap lang tanggapin na nabalewala na ’yung mga ginawa ni Tita Annabelle sa mga kapatid ko. Sana pagkatapos nitong pag-file ng motion for reconsideration sana maakyat na kasi hindi ko po matatanggap na hindi mabigyan ng hustisya ang mga kapatid ko, ” himutok ni Ynna.

PAK : Tweet ni Mickey Ablan: “I’m so lucky to have 2 baby girls @yzabelablan and cael plus a very wonderful partner and bestfriend @jannadominguez8 ü thank u god ü.”

Iniluwal na nga ng seksing comedienne na si Janna Dominguez ang first baby nila ni Mickey kamakalawa ng gabi.

Hindi nagsalita si Jan­­na tungkol sa pagbu­buntis niya dahil magkakaroon ito ng conflict sa isyu ni Mickey kay Iwa Moto. Pero mukhang nagkaayos naman ang dating magkasintahan at gusto na ni Iwa na magkita sila at magkausap nang maayos para matigil na ang patutsadahan nilang dalawa.

Tinanong namin si Iwa kung okay lang ba na mag-ninang siya sa baby nina Mickey at Janna, mabilis ang sagot niyang okay lang sa kanya. Pero alam naman niyang hindi siya kukuning ninang at naintindihan naman niya ’yun.

BOOM : Naging nega ang dating ni Cristine Reyes sa demandang isinampa ni Ara Mina laban sa kanya.

Wala pa siyang statement kaugnay sa isyung ito pero may mga naglalabasan pang mga negang isyu tungkol sa kanya.

Totoo kaya itong nakarating na kuwento sa aming may pinatanggal itong staff member noon sa taping ng Reputasyon?

Napag-alaman ding gustong pag-ayusin ng Viva ang magkapatid pero hindi pa sinasagot ni Ara ang mga tawag ng Viva.

As of presstime, hindi pa nga nagkausap sina Ara at ang mommy nito.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARA MINA

CRISTINE REYES

IWA MOTO

JANNA DOMINGUEZ

MICKEY ABLAN

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with