^

PSN Showbiz

Phil may wedding plans na kay Angel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ayon kay Phil Younghusband ay talagang wife material si Angel Locsin. Nasa aktres na ang lahat ng katangian na kanyang hinahanap sa isang babae.

“As I said before, I want a future with Angel. That’s still the way I feel, and hopefully I have a future with her. Wedding plans are soon, our love is getting stronger. Everyday, I’m growing more in more in love with her,” pagtatapat ni Phil.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin opisyal na magkasintahan ang dalawa.

“We’re taking one step at a time. We’re not trying to rush anything. I’m very happy and when the time comes, we’ll see. But right now, we’re very happy,” nakangiting pahayag ng binata.

Masaya si Phil sa career at achievements na meron ang aktres at ganoon din naman ang dalaga sa kanya.

“We’ve been very lucky ang blessed. She won an award (best actress, Star Awards For Movies), I won an award (Golden Boot). So I think we’re good for each other, I also wish her congratulations. She has been there all the way,” dagdag pa ng Azkals striker.

Merong mensahe si Phil sa kanyang mga kasamahan sa team Azkals para sa award na kanyang natanggap kamakailan.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng teammates ko kasi kung wala sila imposible para sa akin to win awards. So I’m very thankful to my team mates. My awards go out to all of them,” giit ni Phil.

Pamilya ni AJ hindi pa rin gaanong nakaka-move on

Isang taon na ang nakalilipas mula nang mamatay ang batang aktor na si AJ Perez dahil sa isang aksidente. Noong Martes ay isang misa ang idinaos sa La Salle Greenhills para gunitain ang pagkamatay ng aktor. Dinaluhan ito ng pamilya, kaibigan, ka­klase, mga guro at mga katrabaho ni AJ.

Ayon sa ama ni AJ na si Gerry Perez ay nasa moving on stage pa rin ang kanilang pamilya ngayon sa pagkawala ng kanyang panganay na anak.

“Of course, kahit paano kailangan tala­gang mag-move on because I still have a son (nakababatang kapatid ni AJ na si Gello), still a family. I still have work. Kailangan pero gusto mo nasa tabi mo parati sila,” pahayag ni Gerry.

Proud na proud ang ama sa mga nagawa ni AJ noong nabubuhay pa ito.

“I’m so proud of what he had accomplished. Eighteen years old lang siya. Five to six years in showbiz career, those are the things lang na medyo nasasa­yangan pero siguro all in all, God has plans for everybody naman talaga,” dagdag pa ng ama ni AJ.

Muli ipinanood ni Gerry noong Mahal na Araw ang replay episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan ay tampok si AJ.

“I didn’t cry. I found out he was really good at acting,­ doon ako nasayangan. Ang galing ng direktor pero ang galing ng acting, doon ako nasasayangan, ’yung talent ni AJ,” paglalarawan pa ni Gerry.

Naging donor si AJ si Eye Bank Foundation at ngayon ay itinataguyod ng kanyang pamilya ang AJ Perez Foundation sa La Salle Greenhills kung saan nag-aral ang aktor ng high school. — Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN

AS I

AYON

AZKALS

EYE BANK FOUNDATION

GERRY

GERRY PEREZ

LA SALLE GREENHILLS

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with