Kathryn takot na pinag-aagawan ng tatlo!
Noong Lunes ay nagsimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang bagong teleserye ni Kathryn Bernardo na Princess And I.
Aminado si Kathryn na natatakot siya para sa bagong proyekto dahil ito ang kauna-unahang beses na hindi niya kasama si Julia Montes sa isang malaking serye.
“Siyempre kinakabahan kasi first time ko mag-isa, hiwalay kami ni Julia kaya excited din ako. Pati ‘yung friends ko full support din naman gaya nung ginagawa nila before and lahat sila happy din kasi super ganda ng project,” nakangiting pahayag ni Kathryn.
Tatlo ang leading men ng dalaga sa kanyang serye ngayon, sina Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.
Nakikiusap si Kathryn na huwag sanang magkaroon ng iringan sa pagitan ng mga humahanga at sumusuporta sa kanilang show kung sino sa tatlo ang kanyang makakatuluyan dito. Kaya hanggang maaari raw ay pantay-pantay na atensiyon ang ibinibigay ni Kathryn sa tatlo para walang lamangan. “Sana huwag silang mag-unahan, siyempre dapat equal lang ‘yung ibigay mong attention sa kanila, walang lalamang, walang ma-issue and sana wala namang mang-aaway,” giit pa ng young actress.
Paolo, binago ang style ni Gary V
Mamayang gabi ay may karugtong ang series of concerts ni Gary Valenciano na may titulong Gary V on Higher Ground. Sa Music Museum mapapanood ang nasabing show. Puwede ring mapanood ang concert bukas, sa April 26, 27 at sa May 9 at 10.
Ang panganay na anak na si Paolo ang direktor ng concert ni Mr. Pure Energy at ayon sa binata ay parehung-pareho raw sila ng kanyang ama pagdating sa musika. “Kapag na-e-excite kami sa mga ideas, we come up with great stuff pero sobrang mahal,” bungad ni Paolo. “Kapag nagsama kami parang sobrang mahal. We had a hard time limiting ourselves and trying to tone down stuff. Sa creativity we are on the same page talaga eh. Most of the ideas that we both come up with, kunyari may idea siya, sasabihin ko why I didn’t think of that? Kapag ako ang may idea, he likes it also,” kuwento pa ng binata.
Na-challenge raw si Paolo sa pag-iisip kung paano niya maiiba ang series of shows sa mga nagawa na ni Gary sa loob ng tatlong dekada. “When they first asked me to do the show, ‘yung biggest issue ko was I grew up and I never missed a Gary V concert. ‘Yung issue ko, how do I create something na personally for me it’s something new. To some extent, I wanted to entertain myself, how will I see Gary V doing something different,” pagtatapat ni Paolo. Ayon pa sa binata ay malaki raw talaga ang kaibahan ngayon ng shows ng kanyang ama. “We have a set that I don’t think he’s ever had. He’s working with new musicians, younger guys. We’re making the Manoeuvres do different things also. Even ‘yung style, ‘yung areglo,” pagtatapos ni Paolo.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest