Annabelle, tikom na ang bibig sa pagbasura ng kasong child abuse na isinampa ni Nadia, kidnapping case nabasura rin
PIK : Kinumpirma na ni Boy Abunda na si JM de Guzman na ang gaganap bilang Intoy Syokoy na entry nito sa New Breed category ng Cinemalaya 2012.
Excited si Kuya Boy sa project na ito dahil nakapaganda ng script na sinulat ni Jerry Gracio at ididirek ni Lem Lorca ng GMA 7.
Katambal ni JM si LJ Reyes na excited din sa role na gagampanan dahil kakaiba ito sa mga nagawa niyang pelikula.
Kahit sa TV ay hindi rin niya ito nagampanan dahil napaka-daring at willing ang aktres na gawin ang lahat ng mga maseselang eksena na kailangan sa pelikula.
PAK : Nagulat si Mike Tan, bakit bigla siyang kinumpara kay Xian Lim? Dahil sa pareho silang Chinese, tila sila ang pinaglalaban ngayon.
Pagkatapos purihin si Xian sa magandang performance niya bilang co-host ni Iza Calzado sa nakaraang Binibining Pilipinas, may mga nagkomentong talbog na talbog na nito si Mike.
Nilinaw naman ni Mike na hindi siya nakipagtalbugan kahit kanino lalo na kay Xian.
Hindi lang siya nabigyan ng hosting job, pero tingin naman niya ay kakayanin niya rin ’yun.
Pero sa ngayon ay mas focused siya sa acting dahil marami naman ang pumupuri sa kanya sa Legacy.
Pero patuloy pa rin sa pag-aaral si Mike kaya sumasali pa rin ito sa acting workshop na binubuo ng GMA Artist Center (GMAAC) kasama ang iba pang prime artists ng center na sina Kris Bernal, Jackie Rice, Mark Herras, Rocco Nacino, at Rhian Ramos.
BOOM : Tikom ang bibig ni Annabelle Rama sa desisyon ng piskalya ng Quezon City Prosecutor’s Office na ibasura ang kasong child abuse na isinampa ni Nadia Montenegro kasama ang mga anak niya.
Ang abogado na lang ang magsasalita para sa kanya.
Si Nadia naman ay kalalabas lang ng hospital pagkatapos manikip ang dibdib nito at inatake ng sakit niyang Wolff Parkinson White Syndrome.
Ang kasong libel lang na isinampa ni Nadia ang umakyat sa korte at ang kasong attempted kidnapping na isinampa naman ni Tita Annabelle laban kay Nadia ay ibinasura rin.
Magsasalita si Nadia isa sa mga araw na ito kapag nakapagpahinga na siya ng husto.
- Latest