^

PSN Showbiz

Pinoy: Madiskarte o tuso?

-

MANILA, Philippines - Kilalang madiskarte ang mga Pinoy ngunit nakalulungkot isipin na ilan sa kanila ay ginagamit ang diskarte sa maling paraan.

Isa na rito ang inirereklamong sari-sari store na bukod sa pangkaraniwang paninda ay nagbebenta ito diumano ng cell phone at iPod units sa napakamurang halaga. Iimbestigahan ni Julius Babao ngayong Lunes (April 16) sa XXX ang hinihinalang “galing sa magnanakaw” store ng isang impormante. 

Bilis naman ang napiling diskarte ng mga tinatawag na “jumper boys” sa Tondo, Manila kung saan dinadaan nila sa liksi at bilis tumalon at tumakbo ang pagnanakaw sa sasakyang kanilang target. Base sa iniulat kay Pinky Webb, tila mas naging mapangahas ang mga ito dahil ngayon, harap-harapan na ang ginagawang pang-uumit. Naaktuhan pa sa video ang mismong pagnanakaw at muntik pang masagasaan ang binatilyong kawatan. 

Samantala, maparaan naman ang isang subdivision sa Muntinlupa City na naniningil ng P40 na fee para makadaan dito ang mga motorista. Hinaing ng mga biktima kay Anthony Taberna, hindi man lang aabot sa isang kilometro ang kalsada at napag-alaman pang hindi sakop ng subdivision ang pinapabayarang daang iyon. 

Tunghayan ang buong ulat sa XXX ngayong gabi pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Mapapanood din ito ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 p.m. 

ANTHONY TABERNA

BANDILA

BILIS

HINAING

IIMBESTIGAHAN

ISA

JULIUS BABAO

KILALANG

MUNTINLUPA CITY

PINKY WEBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with