Mommy ni Heart tuwang-tuwa, kontra kay Daniel
PIK: Hindi natuloy ang pagsasalita ni Amalia Fuentes sa The Bottomline ni Boy Abunda nung nakaraang Sabado.
Tinanong namin si Kuya Boy kung matutuloy pa ba ang interview niya, hindi pa niya alam.
Ang pagkakaalam niya naka-schedule, pero hindi live, dahil hindi naman nagla-live ang Bottomline.
Hindi na niya alam kung bakit hindi ito natuloy,
Totoo kayang pinatahimik na lang si Amalia para hindi na lumaki pa?
Halos iisa naman ang obserbasyon ng karamihan na hindi na magandang maglalabasan pa sila ng baho ni Annabelle Rama.
PAK: Nakakaintriga ang tweet ni Katrina Halili na “Ewan ko ba natsatsakahan na ako sa hitsura ko at katawan ko ngayon. Kung bakit may nai-insecure pa rin sa akin.”
Parang may pinatatamaan ito sa isa sa mga nakakatrabaho niya sa My Beloved dahil gusto na niyang mamatay ang karakter niya roon.
Tinanong namin ang ilan sa mga taga-My Beloved, ayaw din nilang magkomento at baka dahil lang ’yun sa pagbubuntis ng aktres.
Pero masaya pa rin naman ngayon si Katrina dahil natupad ang wish niyang girl ang magiging baby nila ni Kris Lawrence.
Sabi ni Kris, napagkasunduan na nilang Kristina ang ipapangalan sa baby, bilang kombinasyon sa kanilang pangalan.
BOOM: Parehong ayaw pang magsalita nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga tungkol sa kanilang break-up.
Sa mga tweets lang muna sila nakukunan ng statement.
Nasa Brazil pa si Daniel at ayaw pa muna niyang magsalita dahil malungkot pa ito.
Totoo kayang ang isa sa mga natutuwa sa kanilang break-up ay ang mommy ni Heart dahil sa simula pa lang ng kanilang relasyon, hindi na boto si Mrs. Cecilia Ongpauco?
Inaabangan ng mga reporters si Heart sa Party Pilipinas kahapon pero mukhang umiiwas pa ito at hindi pa handang magsalita.
Kahapon ay may tweet pa si Daniel na tila nakikusap: “Guys, please I never asked anything for you all, but today will be my first time…please respect Heart ’cause she is the best and she’s still an angel.”
- Latest