^

PSN Showbiz

Aktor ni-reject na maka-duet ang ex na singer!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi matutupad ang gusto ng isang singer-actress na maka-duet sa ginagawang  niyang album ang ex-BF na kumakanta rin dahil agad tinanggihan ng actor ang request ng ex nang iparating sa kanya.

Ipinadaan ng singer-actress sa taong common friend nila ng ex, pero magalang itong tinanggihan ng actor. Maganda ang rason nito na ayaw na niya ng gulo at intriga na siguradong lalabas kahit mag-duet lang sila.

Ang ayos na nga naman ng sitwasyon sa mag-ex, nagbabatian sila ‘pag nagkikita at masaya sa kani-kanilang lovelife, bakit guguluhin pa. In fairness, hindi nag-insist ang singer-actress at patuloy na ginagawa ang album.

Album ni Nora na ginawa sa Amerika bawal i-release sa ‘Pinas

Kung nasunod ang schedule, kahapon umalis si Nora Aunor for Tawi-Tawi para sa shooting ng pelikulang The Womb sa direction ni Dante Mendoza. Hanggang April 30 doon si Guy kasama ang ibang cast na sina Bembol Rocco, Mercedes Cabral at Lovi Poe raw.

Ang daming projects na gagawin this year ni Guy, pero nakakapanghinayang na hindi pa rin siya naririnig kumanta.

Nakapanghihinayang din na may album na ginawa si Guy sa States three years ago, pero bawal daw i-distribute sa Pililipinas. Komposisyon nina Odette Quesada and the late Bodjie Dasig ang songs sa kanyang Habang Panahon album.

Isa sa track ng album ay gagamitin daw sa pelikulang El Presidente.

Tweenhearts tuluyan nang tsinugi ng GMA

Sa May 31 na ang last taping ng Tweenhearts at mukhang wala nang extension. Ayaw naming isiping may kina-alaman ang paglipat ni direk Gina Alajar sa TV5 sa desisyon ng GMA 7 na tuluyan nang tapusin ang youth-oriented show dahil maraming director ang puwedeng pumalit kay Ms. Gina.

BEMBOL ROCCO

BODJIE DASIG

DANTE MENDOZA

EL PRESIDENTE

GINA ALAJAR

HABANG PANAHON

HANGGANG APRIL

LOVI POE

MERCEDES CABRAL

MS. GINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with