John Lapus ayaw nang patulan si Vice
Ngayong kumita ang Moron 5 and the Crying Lady, nagsisimula nang intrigahin si John “Sweet” Lapus kay Vice Ganda. Pero hindi niya ito papatulan. Mas gusto niyang mapag-usapan ang kanyang craft, ang mga papuri na tinatanggap niya after makita ang kanyang performance sa nasabing pelikula.
Feeling nga ng marami na mas pag-uusapan ang opinyon niya hinggil sa pagpayag ng Miss Universe pageant na tumanggap ng mga kandidatong transgender o ’yung mga lalaking nagpa-sex change. Hindi pabor dito si Sweet. Feeling niya, isa itong insulto sa mga babaeng kasali at kahit anong pagpapaka-babae ang gawin nila, lalaki pa rin sila.
Dahil sa tagumpay ng Moron 5, plano ng Viva Films na bigyan na ng isang solo project si John. Pinuri’t pinalakpakan ang performance niya sa pelikula.
Marvin ngayon lang naging successful sa pagpapatawa
Itinuturing din ni Marvin Agustin na isa niyang tagumpay ang Moron 5. Kung dati ay suporta lang siya sa mga nakakatawang pelikula, ngayon ay kasama na siya sa mga nagpapatawa. It makes him proud na nabibigyan pa siya ng mga roles sa kabila ng kanyang kabisihan sa kanyang mga negosyo.
Janus del Prado ‘magaling’ na bakla
Nananatiling isang maselan na paksa ang seksuwalidad ng isang tao. Kagabi, ibinahagi ng Maalaala Mo Kaya ang isang kuwentong sumasalamin sa masasakit na panghuhusga na pinagdadaanan ng mga bading at tomboy sa ating lipunan.
Ginampanan ni Janus del Prado ang role ni Bonsai. First time niyang gumanap ng isang bakla at kahit malaki ang takot niya na baka hindi niya mabigyan ng justice ang kanyang role, obviously he gave his best.
- Latest