^

PSN Showbiz

TV host na maraming nakarelasyon na hindi nauuwi sa maganda ang ending, Korean DJ naman ang bagong dyowa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tila pareho ang taste sa girls nina President Noynoy Aquino at ng isang popular TV host dahil sa Korean beauty din in love ang TV host. Hindi lang in love dahil girlfriend na raw nito ang maganda at seksing Koreana na may initial na JP.

Model at disc jocky sa DWRT ang Korean GF ng TV host na aliw na aliw sa kanya ang listeners dahil nagbibigay ng Korean lesson. Na-feature na rin ang dalaga sa isang men’s magazine at talagang hinanap namin ang complimentary copy ng magazine na naroon si JP.

Hintayin natin kung kailan ilalabas ng TV host ang GF at umaasa ang mga taong close sa kanya na ma­ging pang-matagalan ang kanilang relasyon. Marami nang nakarelasyon ang TV host na laging nagtatapos sa hindi maganda.

Anak ni Gary V. kaya nang magpataob ng ibang concert directors

Hindi nga kami nagpa-late sa opening ng On Higher Ground concert series ni Gary Valenciano sa Music Museum. Ayaw naming ma-miss ang promise nitong pasabog sa opening number at bumilib kami sa concept na naisip nila ng anak at assistant director niyang si Paolo Valenciano.

Hanep ang pagka-high tech ng concept and up to now, hindi pa namin alam kung paano napunta sa stage si Gary. Dapat kabahan ang ibang concert director kay Paolo, fresh ang ideas nito at relate na relate ang mga bagets.

Kagabi ang second night ng concert at may six nights pang natitira. Be sure to watch the concert at hahanga kayo. Nag-blend nga ang guest na si Julianne at siyempre si Juan Miguel Salvador. Maggi-guest daw si Sarah Geronimo next week at kakantahin ang Each Passing Night. Manood kaya si Gerald Anderson?

Nagparinig na kay Dennis?

Bianca King gusto nang magkaanak

Hilig din pala ni Bianca King ang mag-bake ng kung anu-ano pero ayaw naming isiping sinusundan niya si Jennylyn Mercado na ex ng BF niya ngayong si Dennis Trillo. Saka, magkaiba ang bine-bake ng dalawa dahil kung si Jennylyn ang specialty ay cup cake, si Bianca ay iba’t iba.

Na-tweet ni Bianca noong isang araw na nag-bake siya ng low fat banana prune walnut bread, nag-bake rin siya ng low-fat apple wheat muffin, at low fat banana wheat loaf. In fairness, organic ang ingredients na ginagamit niya, plus brown sugar, yogurt, at walang butter.

Nabanggit nitong baka mag-open siya ng food blog at may tip pa sa girls na “A sure way to get a guy’s genuine attention — learn your way around the kitchen. Girls, cook and bake.”

May tweet pa si Bianca na “Someday I just want to have kids & cook and bake all day. For a few years.”

Dapat bang kabahan si Dennis sa tweet ni Bianca about having kids? Sabagay, sabi naman nito, four to five years pa niya iisiping mag-asawa. By that time, nagawa na niya ang lahat ng gusto, kasama ang mag-aral ng cinematography sa States.

Samantala, successful ang Broken Vow na isa si Bianca sa mga bida dahil extended for three weeks ang airing nito. So, marami pang aabangan ang mga viewers.

Pacman magho-host sa LA premiere ng The Road

Nabasa naming kabilang sa states sa Amerika na paglalabasan ng The Road ang Los Angeles, New York, Chicago, Honolulu, Jacksonville, Philadelphia, Phoenix, San Diego, San Francisco, Sea­ttle, at Washington DC.

Nabisita namin ang Arrow in the Head website at naka-announce na sa Arclight Theater sa Sunset, Blvd., Los Angeles ang premiere night ng movie sa May 9. Special guest host si Rep. Manny Pacquiao.

 “Asian horror” ang description sa The Road at nakasulat pang ito ang “first ever Filipino movie to receive a mainstream U.S. release.”

Sa May 7, ang alis nina Rhian Ramos, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Alden Richards. Dadalo rin sa red carpet premiere si Marvin Agustin at bossing ng GMA Films.

ALDEN RICHARDS

ARCLIGHT THEATER

BIANCA

BIANCA KING

BROKEN VOW

DAPAT

DENNIS TRILLO

DERRICK MONASTERIO

LOS ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with