Martin Escudero sinuwerteng panakip-butas
Suwerte naman pala talaga nitong si Martin Escudero. Hindi siya ang original choice para gumanap sa role niya sa Moron 5 and the Crying Lady. Kay Kean Cipriano ito unang ibinigay pero nang mag-shooting na ang pelikula ay kailangan namang simulan ni Kean ang paggawa ng The Reunion ng Star Cinema kung kaya hindi na ito umubra. Naiwang butas at kulang ang cast ng Moron 5.
Si Boss Vic del Rosario ng Viva Films ang nag-suggest na ibigay ang role kay Martin at bukod sa maganda niyang nagampanan, kasama pa rin siya sa nabigyan ng bonus dahil limpak-limpak ang kinikita ng pelikula sa takilya at maaaring makasama pa siya sa part two nito na ngayon pa lamang ay pinaplano na.
Congratulations Viva and good work Martin!
Celebrities na magpupulitika sa 2013 maliit ang tsansang maging corrupt
Napakaraming artista pala ang sasabak sa susunod na eleksiyon. Sana nga magtagumpay sila dahil marami silang matutulungan at ang pagiging hindi pulitiko ay isang malaking bentahe nila para mas paniwalaan ng tao. ’Yung kakulangan ng kaalaman sa pamumuno sa gobyerno ay mapag-aaralan naman.
Pero ang unang ikagugusto sa kanila ng botante ay ang pagkakaroon nila ng yaman na nakuha nila sa kanilang pag-aartista at magagamit sa kanilang pagtakbo sa pulitika. Napakaliit na ng tsansa na maging corrupt sila. Mas nakasisiguro sila ng panalo kung makikita ng botante ang sinseridad nilang makapaglingkod.
Kaya kayong mga nagbabadyang pumasok sa pulitika, may mga nagawa na ba kayong mabuti sa tao na walang kinalaman sa mga programa at show na ginagawa n’yo?
- Latest