Magkaibigang aktres na parehong may 'karelasyon,' iba ang kasama nang magbakasyon sa Kota Kinabalu!
Ang sosyal ng dalawang aktres na magkasama sa isang network. Sa isang luxury hotel pala sa Kota Kinabalu, Malaysia sila nag-Holy Week. Ang siste, hindi raw ang mga nababalitang boyfriend ang mga ka-join nila. Tama, may iba silang mga ka-date ayon sa isa kong friend na jetsetter. Ang isa raw sa dalawa, parang foreigner pa ang kasama.
So ano nang nangyari sa mga karelasyon nina actress 1 at actress 2? Obviously, may iba na sila. O baka naman, alam mo na.
Kung sabagay pareho namang malabo ang mga statement nila tungkol sa kani-kanilang karelasyon. Ang isa, parang nakipag-split na nga sa kanyang BF at ang isa, nasa bakasyon ang karelasyon.
Hala.
Hay sarap ng buhay ng dalawang magandang aktres na ito.
Ang ganda-ganda pa naman nung hotel kung saan sila nag-stay - isang luxury destination ang description. May ganitong hotel din naman sa bansa, pero kakaiba raw ang ganda nitong nasa Kota Kinabalu na puntahan ng mga mayayaman na gustong magpakaligaya at magpahinga.
Gretchen ayaw pag-usapan ang isyung nasa maselang kalagayan ang anak nila ni Tony Boy
Hindi sinagot ni Gretchen Barretto ang malisyosong isyu tungkol sa solong anak nila ng partner niyang si Tony Boy Cojuangco. “I am at this point in my career wherein I feel I am a mature actor already. So, I’d like to keep, you know, my private life private. Whatever it is,” sabi ni Greta sa presscon ng Princess and I na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla.
Walang nagawa ang mga nag-uusisa dahil mas gusto raw niyang pag-usapan ang career kesa sa kanyang pamilya.
Matagal nang naba-blind item ang tungkol sa umano’y ‘maselang’ lagay ng menor na anak ni Gretchen.
Samantala, magbubukas na ngayong Lunes (Abril 16) ang kuwento ng The Princess and I. Matutunghayan sa pinakabagong Filipino fairytale drama sa telebisyon ang istorya ng mag-amang si King Anand (Albert Martinez) at Prinsesa Mikay (Kathryn) ng kaharian ng Yangdon na paghihiwalayin ng isang trahedyang magbabago ng takbo ng kanilang mga buhay.
Halos dalawang linggong nag-shoot at nag-bond sina Kathryn, Enrique, Precious Lara Quigaman, Gretchen, at Albert sa Bhutan kung saan nasaksihan nila ang tunay na ganda at kultura ng kaharian.
Show ni Atty Francis EERE SA GMA Life TV
Magsisimula na ang international airing ng Today with Francis, hosted by US-based lawyer and read-to-live advocate na si Francis Padua Papica this April sa GMA Life TV, ang international channel ng GMA 7.
Mabilis na nagkaroon ng wide following ang programa after itong eere sa local channel sa Naga City. At ngayon nga ay mapapanood na ito sa US, Canada, Europe, Middle East and Asia simula sa April 21.
Iikot ang TWF sa core message na “It’s cool to be concerned,” highlighting values of community service and involvement.
Susubukan ng programa na ibahin ang approach ng kanilang advocacies and objectives sa refreshing and entertaining manner para sa mga kabataan at maging sa kanilang mga manonood. Maglalagay din sila ng mga grupo and prominent personalities na puwedeng maging inspiration. Darayo rin ang programa sa iba’t ibang masayang lugar sa loob at labas ng bansa.
Si Atty. Francis din nga pala ang founder and CEO ng 15-year old na Francis Padua Papica Foundation Incorporated (FPPFI).
At ang production outfit na f12 Creativworx Multimedia Studios ang nasa likod ng TWF, isang maliit na kumpanya na nakabase sa Naga City Creative Media Center, isang facility for startup firms located sa Naga City Hall complex.
Kasama sa mga lugar na dadayuhin nila ang Hong Kong, Macau, Laguna, Batangas, Cavite, Boracay at Bicol Region. Highlights ng first season ang interviews kina Efren Penaflorida, Vice President Jejomar Binay and Cong. Jack Enrile, Cesar Montano, Marc Nelson, beauty queen Czarina Gatbonton and Diane Necio, Lettuce King Lyndon Tan, Dodot and Mikee Jaworski, Vince and Shai Hizon.
Sa isang episode, makikita ring nagpe-pedicab ang Chino Hills lawyer sa kanyang hometown (Bicol).
Nag-pramis si Atty. Francis na magiging exciting ang bawat episode ng programa. “As we always say in the show, ‘It’s all about being cool, committed and concerned,” concludes Atty. Francis na naging matunog ang pangalan nang mag-fourth runner up si Venus Raj sa Miss Universe dahil ang kanyang foundation ang nag-sponsor ng scholarship ng beauty queen sa Bicol.
- Latest