^

PSN Showbiz

Ara Mina galit na sa mga ginagawa ni Cristine, wini-wish na 'wag lumaki ang ulo ng kapatid!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Hindi sinipot kahapon ng Younghusband brothers na sina Phil at James ang taping ng pilot episode ng bagong programa nina Ogie Alcasid at Michael V.

May sakit daw si Phil, at ayaw naman daw ni James kung siya lang mag-isa. Kaya nangarag sila kung sino ang ipapalit sa kanila.

Kakaibang talk show ang bagong programa nila na may tentative title na Pare & Pare at magsisimula na sa susunod na buwan.

Namataan din namin ang ilan pang matinding guests na na-curious tuloy kami kung anong klaseng interview ang gagawin sa kanila nina Ogie at Bitoy.

PAK: Bentang-benta ang original Kokak girl na si Rachel Lobangco sa Boracay tuwing summer dahil magaling itong mag-fire dance.

Nung nakaraang Semana Santa, tsinika raw nito ang mga TV crew na i-cover ang performance niya sa isang resort.

Pero last minute ay bigla raw niyang pina-cancel dahil naubusan daw ng gas doon sa isla.

Hindi raw ito makapaniwalang maka-cancel ang raket niya sa isang resort dahil sa nagkaubusan ng gas.

Duda tuloy ng mga vaklush, baka raw pinagtaguan na ito ng gas ng mga kakumpetensya niyang fire dancer.

BOOM: Nakatsikahan namin si Ara Mina sa grand opening ng Goodah sa Citywalk 2 ng Eastwood at nalaman namin may tampuhan pala sila ng kapatid niyang si Cristine Reyes.

Ayaw na niyang idetalye kung bakit dahil ayaw naman daw niyang pagbintangan siyang ginagamit lang nito ang kapatid para mapag-usapan.

Inamin niyang hindi sila okay at hindi raw sila nag-uusap.

Nagti-text daw sa kanya si Cristine nung nakaraang Holy Week pero hindi na raw niya kailangang sagutin pa.

Ang hangad lang ni Ara na huwag raw sana umakyat sa ulo ni Cristine ang tagumpay na tinatamasa nito ngayon.

ARA MINA

AYAW

CRISTINE

CRISTINE REYES

HOLY WEEK

MICHAEL V

OGIE ALCASID

RACHEL LOBANGCO

RAW

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with