Marc Nelson at Rovilson pinatalsik sa Amazing Race nang lumipat si Derek Sa TV5
May nagpadala sa amin ng clip ng news report ng TV5, kung saan, in-announce na sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez ang hosts ng The Amazing Race Philippines. Pero ni-report ‘yun bago pa nabalitang lumipat sa TV5 si Derek Ramsay na nabanggit na gusto rin niyang mag-host ng TARPh.
Curious kaming malaman kung nakapirma na ng kontrata sa TV5 sina Marc at Rovilson at kung anong show ang ibibigay sa kanila kapalit ng TARPh.
Nora Aunor babalik sa stage play!
NOW o Noranians Worldwide na ang tawag sa buong Noranians at nagkaroon sila ng grand reunion last April 9 sa Great Eastern Hotel (dating Aberdeen Court) na dinaluhan ni Nora Aunor. Present din sina Perci Intalan at Noel Ferrer ng TV5, German Moreno, Boy Palma, Edgar Allan Guzman, Matet de Leon and her family, director Rahyan Carlos and Ricky Lee.
Goosebumps ang naramdaman ng guests nang ipalabas ang clip ng old movies ni Guy habang background ang songs na pinasikat at identified sa Superstar. Ipinakilala rin ang oldest fan ni Guy na 102 years old at isang fan na nasa home for the aged na.
Ibinalita ni Noel, TV5 manager ni Nora, ang projects na gagawin ni Guy this year simula sa pelikulang Thy Womb sa direction ni Brillante Mendoza na kukunan sa Tawi-Tawi. Sa April 14 hanggang Apr. 30, ang shooting. Kasama sa cast sina Bembol Rocco, Mercedes Cabral at Lovi Poe at ang ibang cast ay Badjao.
Isi-celebrate ni Guy ang 45th anniversary niya sa showbiz at kundi concert, birthday TV special ang pinaplano ng TV5. Magkakaroon din ng Superstar Press Awards writing contest na ang subject ay ang superstar at iko-compile na libro ni Ricky Lee na gagawa rin ng biography ng superstar, haharap din siya sa isang no-holds barred interview with the press.
Documentary naman ang gagawin ni direk Joel Lamangan para sa 30th anniversary ng Himala. Magpi-pictorial si Guy sa Camera Club of the Philippines at ire-revive rin niya ang kanyang Santinig Foundation na tutulong sa Noranians. Gagawa pa rin siya ng movie sa Regal Entertainment in cooperation with Studio 5.
Kasama rin sa plano ang pagbabalik ni Guy sa stage play at matuloy man o hindi, susuportahan niya ang stage production ng Bona with Eugene Domingo at Bakit Bughaw ang Langit na bida sina Katherine Luna at Edgar Allan.
Patalbugan ng endorsers
Nagpapaligsahan ang Bench at Penshoppe sa pagkuha ng celebrity endorsers, local man o foreigner. Ang latest endorser ng Bench ay ang Blake, kung saan, ang member na si Jules Knight ay nali-link kay KC Concepcion.
Kinuha rin ng Bench na endorsers ang Super Junior members na sina Choi Siwon at Lee Donghae at sa rami ng Pinoy fans ng Super Junior, siguradong madadagdagan ang bibili ng Bench t-shirts.
Hindi nagpahuli ang Penshoppe dahil kinuha nilang endorser si Zac Efron, bale si Zac ang panlaban nila sa Blake at sa Super Junior members.
Mas magiging masaya ang labanan nang pasikatan ng endorsers kung dadalhin dito ng Bench sina Choi Siwon at Lee Donghae at bongga kung dadalhin din ng Penshoppe si Zac Efron.
Dingdong at Marian nakapahinga sa Cambodia
Pinost ni Djanin Cruz sa Twitter ang pasalubong sa kanya nina Dindong Dantes at Marian Rivera mula sa trip ng dalawa sa Cambodia and we presume buong cast at staff ay may pasalubong sa dalawa.
Ilang araw ding nakapagpahinga sina Dingdong at Marian, now, balik-taping sila ng My Beloved at hinihintay na ang week nine sa rami nang mangyayari. Sana, sa next press visit, sa bahay naman na ginagamit nina Marian at Jennica Garcia sa Sta. Ana, Manila. Nalaman naming this is the same house na ginamit ni Kris Aquino sa Segunda Mano.
- Latest