Pagre-resign ni Direk Bobet dahil kay Vice Ganda, idinenay!
Idinenay ng ABS-CBN ang sinasabing pagre-resign ni Direk Bobet Vidanes sa programang It’s Showtime dahil sa pagiging abusado ng isa sa mga hosts na si Vice Ganda. Narito ang official statement ng Kapamilya Network: “It is not true that Direk Bobet Vidanes resigned from Showtime because of Vice Ganda. Both of them were recently not in the show since Direk Bobet went on a Holy Week break, while Vice Ganda fulfilled a series of engagements in the Middle East,” ayon kay Bong Osorio, head of ABS-CBN corporate communications.
JM mas naging maingat na sa babae!
Maraming natutuhan ang mga bida sa Angelito: Batang Ama na sina JM de Guzman at Charee Pineda.
Pakiramdam nila, malaki ang maitutulong ng ginawa nilang serye para maging mas maingat sila sa kanilang mga ginagawa particular na sa pakikipagrelasyon.
Tumagal ng seven months sa ere ang nasabing serye na magtatapos na this week.
“Maingat ka dapat sa bawat galaw mo at kung may mistakes ka man na nagawa, paghandaan mong panindigan at panagutan,” sabi ni JM na nag-portray ng pagiging batang ama.
Si Charee naman ay mas natutunang dapat talagang makinig sa magulang lalo na tungkol sa pakikipag-relasyon. “Kasi ’pag nasa relationship ka hindi ka in touch sa reality. Lahat puwede pag-in love ka,” sabi naman ng leading lady.
Feeling niya, pinaka-the best pa ring makinig sa parents dahil alam nila kung ano ang tama.
Thelma tuloy ang pag-ariba!
Tuloy ang mga papuring natatanggap ng pelikulang Thelma, starring Maja Salvador and produced by Time Horizon Pictures sa loob at labas ng bansa.
Kamakailan, apat na major awards ang naiuwi ng pelikula mula sa 28th Star Awards ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Kasama sa mga napanalunan nila ang Movie of the Year in the Digital Film category; Best Director for Paul Soriano, Best Screenplay and Best Cinematographer.
Maiden production ng Time Horizon Pictures film outfit, dinala na sa iba’t ibang campuses, sa maraming probinsiya para sa special screenings at sumali na sa iba’t ibang international film festivals ang Thelma pagkatapos itong ipalabas sa mga sinehan sa Metro Manila.
Kasama naman sa mga international film festivals na pinuntahan nito ang 31st Hawaii International Film Festival (October); 22nd Cinequest Film Festival at San Jose, California (February and March); Cleveland International Film Festival at Cleveland, USA (March and April 1.)
Nominated for Best Feature Film and Best Cinematography naman sila Madrid International Film Festival sa Spain (sa June pa gaganapin ang nasabing international filmfest.)
Sa August naman, nasa 3rd New York City International Film Festival ang pelikula.
Patok nga talaga sa abroad ang mga pelikulang katulad ng Thelma na kuwento ng isang magaling na runner pero wala silang pera para magkaroon siya ng maayos na training. Pero maraming nangyayari para makamit niya ang tagumpay.
Summer ballet workshop sa Halili-Cruz School Of Ballet on going na
Tuloy ang exciting and enriching activities sa Halili-Cruz School of Ballet (HCSB) ngayong summer.
Kamakailan lang ay ginanap ang kanilang recital (400-strong grand ballet) billed as Celebration of Dance 2012 na ginanap sa Meralco Theater at ngayon ay mag-uumpisa na sila ng Summer Dance Workshop 2012. Ayon kay Ms. Shirley Halili-Cruz, artistic director ng HCSB, ongoing na ang enrolment sa kanilang main studio along Quezon Ave., Quezon City.
“If you want your children to spend their summer wisely, bring them to us, to HCSB,” sabi Ms. Halili-Cruz.
Ang kanilang Summer Dance Workshop 2012 offers courses in all levels — classical ballet, solo variation, hip-hop, contemporary dance, lyrical dance, and also taekwondo. Ang katapusan ng mahigit isang buwang summer workshop ay sa grand recital na gaganapin sa May 26.
Bukod sa summer dance workshop, naghahanda na rin sila para sa Dance Xchange in Cebu City ngayong April at maging para sa 14th Asia Pacific Dance Competition in Hong Kong.
Punong-abala ang HCSB Artistic Team led by its multi-awarded artistic director, Ms. Halili-Cruz kasama ang equally dedicated ballet teachers nilang sina Grace Garalde-Perez, Anna Lissa Tuazon-Balmadrid, at Anna Kathrina Halili Cruz.
Magkakaroon din ng workshop sa HCSB branches in St. Pedro Poveda College, Miriam College, St. Mary’s College and Alabang Country Club.
Ang Halili-Cruz School of Ballet (HCSB), the official school of the Halili-Cruz Dance Company (HCDC) na kilala ring Quezon City Ballet ay pinarangalan bilang Most Outstanding Ballet School in Asia from 2000 to the present. Sa kasalukuyan ang Halili-Cruz School of Ballet and the Halili-Cruz Dance Company ay nakaipon na nang halos 300 na national and international awards and prizes.
- Latest