Nora iisa-isahin ang pakikipagbati sa mga 'kaaway' bago mag-umpisa ng trabaho
PIK: Si JM de Guzman ang napipisil na gaganap bilang Intoy Syokoy na isa sa mga entries sa New Breed category ng Cinemalaya Independent Film Festival 2012.
Ito ang ipinalit sa Lola Igna na na-pull out sa mga entries. Si Lem Lorca ng pelikulang Bola ang magdidirek ng Intoy Syokoy na ipu-produce ni Boy Abunda.
Medyo mapangahas ang role na gagampanan ni JM na kung tatanggapin niya ito, may mga maseselang eksena na kailangan niyang gawin.
PAK: Emote na emote si Sharon Cuneta sa birthday greetings niya kay KC Concepcion na kasabay din ng kaarawan ni Richard Gomez.
May emote rin ang tweet niya kay Goma na nanatiling close friend niya.
Hindi ko na-follow si Lucy Torres, pero ang pagkakaalam ko, siya ang sumagot sa tweet ni Sharon kay Goma.
BOOM: Balak ni Nora Aunor na makipagbati sa mga nakasamaan niya ng loob bago ito tumulak patungong Tawi-Tawi para sa shooting ng Thy Womb ni Brillante Mendoza.
May mga narinig akong pangalan na gusto na niyang makipagbati na hindi puwedeng banggitin dahil surprise niya ’yun.
Totoo kayang pati kay Charo Santos-Concio ay makikipagbati na rin siya at kakalimutan na ang sama ng loob sa ABS-CBN?
Gusto na ng Superstar na wala na siyang kinikimkim na sama ng loob para positive na ang pagbabalik niya sa trabaho.
- Latest