^

PSN Showbiz

Kaya tigil muna sa kaka-tweet Annabelle Rama kinausap ng guardian angel na ipagdasal na lang ang mga kaaway!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Enjoy si Derrick Monasterio sa bakasyon niya sa Boracay dahil kasama niya ang pamilya niya. Talagang nag-bonding sila ng husto. Halos wala ng panahon si Derrick na makasama ang mommy niya at mga kapatid dahil sa naging abala rin sila sa trabaho.

Sa La Carmela de Boracay sila nag-stay courtesy of Mr. Boy So at doon din dapat mag-i-stay si Sarah Lahbati, kaya lang bigla itong umatras

Totoo kayang nang nalaman nitong doon magbabakasyon si Derrick ay umatras ito? Nag-decide na lang sina Sarah at ng mommy niya na mag-La Union.

PAK: Bumalik na si Edgar Allan Guzman sa ina niya at hindi na ito tumutuloy sa condo unit nila ni Johlan Veluz.

Hindi naman sila nag-break pero hindi na sila nag­li-live in. Kaya lang panay pa rin ang tweet ni Johlan na nag-i-emote ito na nakakasira naman kay Edgar Allan.

Pinagsasabihan na ito ni Edgar na tumigil na sa kati-tweet pero walang kamalay-malay ang aktor na tuloy pa rin ito sa  kai-emote sa Twitter account niya.

BOOM: Sa Baguio nagbakasyon si Annabelle Rama kasama si Eddie Gutierrez para medyo lumamig pansamantala ang una.

Tumigil na muna si Tita Annabelle sa pagtu-tweet ng mga emote niya sa mga kaaway niya. Tweet pa nito: “My guardian angel told me to pray for all the people na nanggugulo at naiinggit sa akin.”

Kahit paano, pinalamig naman ng Baguio ang unit ng ulo ng talent manager.

Sabi naman ni Tita Annabelle, tahimik lang naman siya basta hindi lang siya inuunahan ng mga gustong mang-away sa kanya.

Kung may pasasabugin si Amalia Fuentes laban sa kanya, nakahanda lang siya at hindi siya uurong.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

ANNABELLE RAMA

BORACAY

DERRICK MONASTERIO

EDDIE GUTIERREZ

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

JOHLAN VELUZ

LA UNION

NIYA

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with