Hunger Games pinag-uusapan pa rin
MANILA, Philippines - Kahit hindi kilala ang mga bida, patuloy na pinipilahan sa takilya ang kamangha-mangha at kapana-panabik na pelikulang The Hunger Games. Mula nang ito ay unang ipalabas nitong nakaraang buwan hanggang ngayon ay hindi magkamayaw ang mga gustong makapanood.
Karamihan sa kanila ay kabataan at mga nakabasa na ng libro ni Suzanne Collins na pinagbasehan ng pelikula. Pero maging mga adult ay naging matindi rin ang interes dahil usap-usapan ang mga maaaksiyon at makapigil-hiningang eksena rito. Sa North America at dito sa atin, ang The Hunger Games ay nagtatala ng bagong record sa industriya kaya’t hindi kataka-takang pakaaabangan din ang sequel nito tulad ng napakatagumpay na Harry Potter at Twilight.
- Latest